Saturday, November 8, 2008

27th Scene: Sunset

Time Check:
November 08, 2008
8:01PM (Manila Time)

Ang unti ng posts ko kahapon. xD. ahaha, tas yun. kanina pa ako gising, nagPPSP lang. ang dami tao sa bahay, dito kasi nakalagay si lola. Andami kong mga pinsan na and2. XD. hehe, parang nagreunion ulit kami, kaso 1st time na wala si lola. Weee. Lapit na birthday ko. 17 days nalang. Tas, nu ba yan. La na agad ako masabi. :D

Friday, November 7, 2008

26th Scene: Ciao

Time Check:
November 07, 2008
11:24PM (Manila Time)

There are times when I’m lying in my bed, Hug my pillow and cry from this tip again, And my eyes are like windshields on a rainy day, Almost rubbed down, swelling, as I keep on, Digging my face in these cold hands of mine, Heaven knows how bitter I am. ‘Cause this angel has flown away from me, Leaving me in drunken misery, I should have clipped her wings and made her mine, For all eternity, Now this angel has flown away from me, Thought I had the strength to set her free, Did what I did because I love her so, Will she ever find her way back home to me. I’m so tired, I feel like catching forty winks, Being up all night in this elbow room, That puts me in a trance, Where hopes and dreams come true, Now my lips are burning and my eyes are hurting, From this fumes I mixed till I light another, PSPs just to pass my time, oh Heaven knows how bitter I am.



Picture is quite faggy, but get used to it. Maunti lang mga nakita ko pictures ni lola. And she's the one in blue dress. Maybe at this moment, nakapila na siya and waiting for her time to be with God. iloveyou lola, maraming salamat sa lahat. sorry kung hindi nasabi ng personal. I love you lola. Mamimiss ko kayo.

And i know she is now at rest singing with the angels with a big smile on her heart saying you'll just need to get along with your bright scenes AJ. Just go on by and i'll read your daily scriptures to get updated for what is going on down there. xD

25th Scene: Legacy

25th scene. 25 favorite number ko. :). November, November pinaka paborito kong month, at 18days to go, birthday ko na. Maggragraduation narin ako sa March, malapit na malapit na. Ilang months nalang yun...

Tapos, ngayong araw... Kanina lang, hindi na talaga ako nakapaggawa ng blog kase late na late na ako, nakalimutan ko pa baon ko, Nung papunta na ako sa school, nakita ko si Xayi.. Tas I arrived at the school patapos na ang assembly, Nakapila nanaman ako kasama ang lahat ng late-comers. tas kasama ko siya sa Pila, nasa likod ko lang siya. Kinakausap ko xia, kaso hindi siya nagsasalita. Parang wala din akong kausap. Ewan ko hindi ko lam kung bakit xia ganun kanina., Tas yun btw. Advance chemistry 1st subject. Hindi pa ako nakakakuha ng test kaya pumunta ako sa library, tas bago ako pumunta dun, sinabi ko muna sa classmate ko na texttext tayo, which means, itext niya sakin yung mga sagot sa test, nagchecheck na kasi sila ng test paper eh. Haha. tas yun, punta na ako library,. Waa. Ang init, tas nakita ko yung isa kong classmate na kumukuha din ng test sabi ko dun kami sa medyo malamig na part ng library. Waa. Ang hirap naman nung test. T.T, halos wala akong alam. Kaya nagtext na ko dun sa classmate ko. xD. Ahaha, amboring din naman dun keya tinext ko na din si Xayi tas tinanong ko kung bakit ansuplada niya kanina. 3answers lang nakuha ko kay Paulo., Tapos yun, nung sinasagutan ko na yung test sa advance chem ng walang halong daya. At exactly 8:26am sa cellphone ko, nagtext saken si Mommy, "Aj, iniwan na tayo ng lola mo anak.",. O.o,. Ha? Nagbibiro ka lang?., nagreply ako ng tatlong beses. 1."bkt?", 2."patay na si lola?", 3."Asan si lola?"., Isa lang nireply ni mommy, "Oo anak". ewan, pero nanlalambot ako, tas ang tagal ko na katunganga lang, tas after quite sometime, kinausap ko yung classmate ko. Sinabi ko yung nangyari, tas siya yung naging spokesperson ko sa mga teachers. Hindi kasi ako makaimik ng ayos, nauutal ako. Tas pagpasok ko ng classroom, una ko pinuntahan yung classmate ko na sinabihan ko ng texttext., Siya kasi yung madali talagang lapitan. Tas mautalutal ako, tas sinabi ko na "patay na si lola". Kinuha ko yung bag ko, tas umuwi na ako. Naiwan ko calcu ko sa library. (Mita, salamat.) Nung nasa bahay na ako. Una akong pumunta sa kwarto ko tas, wala na, bigla nalang ako umiyak. Pumunta ako sa bahay ni lola. andun pa siya sa kwarto niya, nakahiga. nakasarado ang kamay., halatang halata na may tinitiis siya na sakit. nakikita ko na umiiyak tita ko. Andun din yung parang katulong namin sa bahay. tapos sabi niya, "Bakit hindi mo manlang sinilip kanina yung lola mo nung umalis ka", "Kanina pa siya ganyan simula nung umalis ka". Umupo ako sa tabi ni lola. Hiniwakan ko kamay niya, tapos pilit ko na binubuksan yun. Pero wala, hindi ko kaya. Wala na, wala na yung lola ko. Wala na yung lola ko na nag-alaga saken simula nung una akong pumasok tsaka nung gradeschool ako. Siya din yung laging nanjan saken pag umaalis tsaka wala si mommy, siya yung laging tumitingnin saken kapag ako lang mag-isa yung nasa bahay. "AJ, nakakain ka na meron ba pagkain iniwan mommy mo?". Na kapag aalis kami, sasabihin pa ni Daddy saken na "oi. Magpaalam ka sa lola mo, sabihin mo aalis na tayo". Siya yung laging andun sa kubo tas tatanungin ako kung kamusta na ako. Tas pagnagkakagalit kami ni mommy tsaka ni daddy, Siya yung pinupuntahan ko. Kahapon hindi ko manlang siya nakita hindi ko manlang din nakausap, hindi ko na din tanda kung kelan kami huling nag-usap. Biglaan talaga. Ang gusto ko lang talaga sana yung andun pa siya sa graduation, tsaka mas makasama ko siya ng matagal. Ayun, 18 days nalang birthday ko na. 16 na ako. unang birthday na hindi ko siya kasama. Unang birthday na hindi niya ako mababati. Ambilis ng nangyari, parang kelan lang nung huli ko siya nakausap, nung kinakamusta na niya kung ano mga nangyayari saken. Kelan ko ba siya huling nahalikan? Nayakap? Wala, antagal na nun. Nakakaasar talaga, kung kelan wala na ang isang bagay saka naten makikita kung gaano talaga siya kahalaga saten. Lola, mamimiss ko yung pansit canton mo na merong itlog. Ngayon ko lang ulit nakikita na meron parin pala akong relatives. Nakakaasar, bakit ganun? Uuwi lang ang iba kung kelan merong wala na. salamat nga pla ulit Mita. salamat talaga.

Thursday, November 6, 2008

24th Scene: Fall Out Boy

Time Check:
November 06, 2008
10:58PM (Manila Time)

Walang mangyayari kung init lang ng ulo ang pinapasabog natin. Sana naging marunong din tayo magpaputok ng yelo sa ulo. Ako, masasabi ko pikon ako, tampuhin ako. Ewan ko, hindi ko mapigilan eh. Naaasar ako. Sa tingin ko nakuha ko to sa kalalaro ng Video Games. Di ba nakakabwiset kaya kapag paulit-ulit ka sa isang part ng laro, minsan gusto mo na ihagis yung game console sa labas ng bintana niyo o kaya gusto mo na din iRKO. Nakakaasar talaga eh, kase pikon ako. Nakakapikon talaga pag alam mong pikon ka. Tas pagpikon ka, magiging matampuhin ka na. Tapos balik naman tayo sa video games, may masamang dulot akong nakuha sa masyadong paglalaro ng video games, especially, action-type games. Minsan naaapply ko sa buhay na meron akong tatlong buhay na kapag nadeads ka, meron ka pang matitirang 2 lives, tas pwede ka pa makakuha ng bonus life in each or every stage. Which is completely wrong at kelan man hindi natin maapply sa buhay natin. Kung alam mong, mali ka na. Wala ka na magagawa dun, hindi naman talaga naimbento ang "Time Space Warp" at hindi naman talaga taga-planet earth si Shaider. Tapos yun, Sorry Xayi, kasi masyado ako nagiging matampuhin sayo. Mga nonsense na bagay pintapatulan ko pa. Sorry, umiiral lang ang stupidity.. >.<. Tapos yun 11:12PM na, kelangan ko na matulog may pasok pa kami bukas. Mag-iisip pa ko kung pano bawasan laging pagkainit ng ulo ko., Ano kaya magiging yelo ko sa buhay? Chillax lang kasi lagi dapat tayo mga dude. Sige goodnight. Ilabyu Xayi. Sana pumasok siya ng school bukas. >.<

23rd Scene: Reception

Time Check:
November 06, 2008
10:41PM (Manila Time

Medyo gabi na, madami pa kelangan gawin bukas. YES! FRIDAY bukas. Wala nanaman gagawin sa weekends. boring nanaman. Wooohooo. I love killing time. Magpopost nalang ako ng mga nangyayari sa buhay ko dito sa blog ko. And really, mahal ko na ang pagbuo at pagpost ng blog. Bakit? Kase, even counted numbers lang ang nagbabasa nito., nakikita ko na naaapreciate nila yung mga nababasa nila dito. And that would be a wonderful gratification for me. Nakikita kong may kabuluhan tong ginagawa ko nato. lewl. Alam niyo bang ang best reward sa lahat ng ginagawa ng tao ay appreciation. Walang taong ayaw ng compliments. Kung meron man, mga papansin na yun. Hehe, tas yun bukas, schoolday nanaman. Hmmm. Sa Umaga, class hours, tas sa hapon, magiging cleaners kami ng school namin. Ewan ko kung bakit. Lol. Tas yown, Gagawa nanaman ako ng bagay na hindi ko naman talaga alam kung para saan. XD. haha, galing galing talaga. Tas, nagclass picture kami kanina nga pala. Tas yun, kala ko kita yung nakalagay dun sa papel na hawak ko kaso hindi. XD ahahaha. Tas, ala na ako matandaan nangyari eh. xD. hmmm, Yown. nakikita kong magiging masSuccessful na blogger ako kesa sa kahit ano pang profession ang gagawin ko. xD, ahaha. LewL.

AJ's Choice Awards: Best Band (Foreign)

Simply,... Story of the Year.

22nd Scene: Rescue.

Time Check:
November 06, 2008
8:37PM (Manila Time)

I've been jumping from the tops of buildings. For the thrill of the fall. Ignoring sound advice. And any thought of consequence. My bones are shattered. My pride is shattered. And in the midst of this self-inflicted pain. I can see my beautiful rescue. I'm falling more in love. With every single word I withhold. I'm falling more in love. With every single word you say. I'm falling head-over-heels for you. I've been dancing on the tops of buildings. At the top of my lungs I'm singing you a song. Don't you leave me alone. My bones were shattered. My pride lays shattered. Well I'll trample my pride and tell the whole world. To dance with me Yiheee. XD ahaha.



And she's my Beautiful Rescue.

21st Scene: Oppurtunity Cost

Time Check:
November 06, 2008
7:18PM (Manila Time)

XD. Hehe, as i had expectedd. Hindi nga kami ang napili para dun sa tugtugan. Nung depressed talaga ako, kahit alam ko na talaga sa simula palang na hindi kami yung tutugtog. Wala ng tantrums. Talagang ganyan. Masakit lang talaga is yung 4th year highschool na kami, last na year nanamin to. pero. wala parin. :), No bad feelings, kasalanan talaga namin. XD, hehe. Pero after thos itchy fugly moments. May na observe ako at may naconclude akong bahay. Hmmm. Wala yung love ko nung time na dun sa banda. Which means na, napalipat lang yung priority ko muna sa banda kasi nawalan kami ng communication nung bespren ko. XD. ahaha. Tas yun, kanina, dismissal inannounce na hindi nga kami yung tutugtog at iba ang napili, masama loob ko nun, tas pagkatapos namin kausapin, may plan kami na dinner kasama ko si Xayi nun. Una, xiempre malungkot ako. gawa ng banda. Una, hindi ako naimik, pero... Naisip ko. wala naman magagawa yung ganito eh, naaapektuhan pa yung ibang bagay kung malulungkot nalang ako, tas yun, kinuha ko na yung initiative na magsalita. (Pero bakit ganun, hindi siya nagsasalita paghindi ako nagsasalita? Kelangan ba talaga na sa lahat ng bagay ako lagi yung mauuna?) Nvm. Kaso mejo laging napag-iisipan ko rin yan. Tas yun balik tayo dun sa istorya. After quite sometime, yun, OK na yung feeling ko, magaan na ulet. :D, Andun na kami sa tapat ng resto na kakainan namin, tas nagdecide na ko na sa ibang resto nalang. Ayun lumipat kami, lumipat lang kami ng ibang branch pero yun paring resto na yun. XD, Wala lang, ginawa ko yun para mas matagal yung bonding time namin. :D, xiempre namiss ko rin xia, tas yun.. Nung kasama ko xia, masaya na let ako. Tas dun ko nalang nastart na naisipan na bakit ako malulungkot kung hindi kami nakuha dun sa tugtugan, eh anjan pa naman xia., NaOk kasama, na iba, yung alam mong iba yung nararamdaman mo kapag kasama mo xia. :). xD. Iba talaga eh, XD. Parang nung kasama ko na xia, parang yun na yung pangarap ko. XD. Talagang magsasacrifice ka ng isang bagay na mahalaga sayo, para maattain mo yung isang bagay na mas gusto mo, na kung san mas masaya ka dun,. :D. Napakatricky talaga ng buhay ng tao. Ang daming puzzle na kelangan buuin, tas yung iba kulang pa. haha.

20th Scene: Forfeit

Time Check:
November 06, 2008
6:51AM (Manila Time)

Papunta na ako sa school hindi nanaman ako kumain ng breakfast, nakaligo na ako, pero siyempre blog muna. Nahirapan ako matulog kahapon, andami ko iniisip. XD. Yown, tinulugan niya ako kagabi, kaya may hanging question ako sa kanya. Ewan ko bakit ganun mga tinetext ko sa kanya eh labnalab ko xia. Pero mukhang yung kung saan siya na mas safe na lugar yung sinusuggest ko para sa kanya. Basta parang ganun. Kelan ba kelangang tumigil ng tao ang magsakripisyo? Hahaha. Tsaka bakit nga ba nagsasakripisyo ang mga tao? Ewan ko. Malay ko din. xD., Ewan ko pero malungkot ako ngayon, pero nakakangiti pa naman. lewl. Masayang maging malungkot. lol. XD. Tapos yun, baka late nanaman ako sa school, at hindi na kami makakatugtog sa November 08. Wala na talaga, puro malas nalang yung mga nangyari ngayong week-end. salamat po. Ganyan lang talaga ang buhay mga dudes and dudettes.

~We can't solve problems by using the same kind of thinking we used when we created them.

Wednesday, November 5, 2008

19th Scene: Poor Soul

Time Check:
November 05, 2008
11:19PM (Manila Time)

Hindi ako makatulog, nangangati kamay ko. Gusto ko maggawa ng blog post. lol. Wala na nga sa Drums., Nagkakaron pa ng realization tungkol sa kanya. Hindi naman ganun kadali ang pagbabago ng isang tao. hehe. Eto ang real cycle ng buhay, Aim-Dream-Hope-Fall-Die. Mga priority ko sa buhay nalalamatan na lahat, Hmmm. Ano kaya magandang gawin, kumuha ng bagong priority at hintayin ulit masira? O, tumigil na? Pero pano titigil? Natatakot akong maging boring ang buhay ko. Gahaman ako. Haha. Happy New Year! Nakakabagot. Nakakaasar. Nakaka"deeppress". Ang hina ko, maliit lang na problema di ko kinakaya. Yuck bakla! >:). Adik lang.

18th Scene: Self Pity

Time Check:
November 05, 2008
10:25PM (Manila Time)

Mejo gabi na, mejo kelangan na matulog kaso inaatake nanaman ako ng sakit ko, ang pinakamatinding saket mas matindi pa sa cancer, pagnadatnan mo to kala mo wala ka kasama sa buhay mo. Hindi lang ikaw naaapektuhan, pati pinakamalayong kapitbahay mo. Hindi ka makakagawa ng tama, di ka makakapagisip ng mabuti., Lewl, puro pagsisisi, puro pagkaawa. "Nakakaasar bakit ako ganito"? sigurado naranasan mo na to itanong sa sarili mo, kung hindi man Diyos ka. Lahat ng tao nagrerequest na sana iba nalang sila, na sana hindi sila yung kung sino sila. Ako aaminin ko, nasa stage 9791st na ako ng sakit na to, malala na kumapit na sa lahat ng organelles ko. Pero bakit? Bakit hindi ba masatisfy ang tao sa kung anong meron sila? Bakit hindi tayo nawawalan ng gustong mga bagay at napakascarce ng mga to.? Bakit nabuhay pa ang Economics. Pahirap talaga no?., Pero mga dudes, hindi palambitinan ng leeg ang solusyon o pagaahit ng pulso. Hindi tayo payaso at barbero. Tsaka bakit hindi nalang natin iaccept kung sino tayo? Gago. Mahirap yun, mainggitin ang tao, xiempre magtatanong tayo. Bakit hindi nalang ginawa ang tao na magkakapareho ang muka? Bakit yung ibang tao nakakalamang saten?. Bakit mas maganda si Ehra Madrigal kesa kay Cristie Fermin?. Natural na gahaman lang tayo. Tulog na ko mga dudes. Kelangan ko pa magbeauty rest para malamangan kayo sa kakisigan ng pisikal na aspeto. Wiswis. ako'y isang barbero.

AJ's Choice Awards: Best Singer

Cool, Suave. Jason Mraz.

17th Scene: loveless act VI

Time Check:
November 05, 2008
9:33PM (Manila Time)

Ambilis ng oras, ambilis ng pangyayari, andaming bagay nangyari sa araw na to. Tas may sudden realization pa ako na, bakit ganun? Sana diba minsan mas mabuting wala ka nalang alam sa mga bagay-bagay para hindi ka nalang din naaapektuhan. Para inosente, pero bakit meron paring mga tao na pilit parin inaalam yung mga bagay-bagay kahit hindi naman sila naaapektuhan? Tas, bakit kelangan pang makialam ng ibang tao sa buhay ng ibang tao kahit wala naman talaga sila pakelam sa mga nangyayari dito? Tapos yun. Ano mangyayari kapag hindi napili ang mas deserving? >.<. Argh. Ako ay pirata.

AJ's Choice Awards: Best TV show

It seems today, that all you see-
Is violence on movies, and sex on TV,
But where are those good, old-fashioned values-
On which we used to rely?Lucky there's a Family Guy-
Lucky there's a man who, positively can do,
all the things that make us-
Laugh 'n' cry.
He's a Family Guy!
Publish Post

16th Scene: Hardwood

Time Check:
November 05, 2008
8:39PM (Manila Time)

Whew,. Gusto ko talaga magdrums. XD, haha, Mukhang yun yung symbolism nung mga ilaw sa daan paggabi, "City Night Lights".. Xiempre, paggusto may paraan. Tsaka gagawin mo talaga lahat paggusto mo yung isang bagay. OK, yung sa november 08, sige tanggap ko na nawala na talaga kami pag-asa makatugtog pero madami paring opportunities. Pero mahirap din sabihin, sigurado malulungkot din ako, pero mawawala agad yun. Tsaka siyempre mas ipraprioritize ko si Shaihyie. XD, love ko yun eh. Kahit hindi ako ganun kagaling magtambol, eh gusto ko ginagawa ko eh, pakelam pa ba ng iba? Di ba? :D,, walang makakapigil paggusto mo talaga yung ginagawa mo, tsaka masOK nga yun eh, meron ako pangarap. Kesa naman sa mabuhay ako sa mundo na wala akong mga plano sa buhay. Parang unggoy lang ako nun. XDXD. Ganda ng Bgmusic ko ngayun, "Walang kadala-dala". Bagay na bagay. XD

AJ's Choice Awards: Best Artwork (Painting)

Ye'll never escape yerself. Moron.,

Anyone who got a sharper tongue?

(Hands down for Mr. Luke Chueh)

15th Scene: City Night Lights

Time Check:
November 05, 2008
7:38PM (Manila Time)

Kakauwi ko lang galing sa Music Studio. Medyo gabi na, tas yun, iba talaga pakiramdam ko paggabi ako umuuwi, haha. Hindi dahil sa baka mapagalitan ako, Kase pag andun ako sa tricycle or jeep ang ganda tingnan nung mga ilaw sa kalsada, XD. makukulay, anliliwanag. Hindi ko alam, pero mas gusto ko yun kesa sa mag stargazing. :D. lol. Yown, madami nangyari ngayung araw na to, dumating na siya kanina, pero bakit ganun? parang ah, basta ewan. parang tuloy-tuloy parin yung loveless scenes? Gustong-gusto ko siya makita, Miss na miss ko na siya, tas biglang nawala yung excitement. Ganun na ba ako kamoody? >.<. Baka dahil din sa banda, masyado ko dinedevote ang sarili ko sa career na hindi naman talaga para saken, mukang naapektuhan narin yung excitement ko na makita siya gawa ng banda, Kanina mga 5:30pm, nagaudition na kami, una tumugtog yung isang band, maganda, ok yung tugtog nila. Pasalamat na din ako sa kanila kasi nakahiram kami ng instruments, tas yun. Expected ko na, na hindi kami yung mapipili. Tapos na sila tumugtog, Kami naman, unang tugtog namin, mali. Hehe, wala na talagang pag-asa. Masisisi ko ba ang sarili ko? Nakelangan ako na ang nag-asikaso lahat or Masisisi ko ang sarili ko? Kasi napaka na yung obsession ko? Pagkatapos ng audition kelangan pupuntahan ko siya para magdinner kami, Pero nakaset na yung plano na magprapractice kasama yung magtuturo, akala kasi namin pwede pa sa thursday magaudition. Edi yun pumunta kami, tapos nagpractice, hindi na pala practice, nagjamming nalang kami. Katuwaan nalang yun. Tas yun, fresh pa pala yung sugat ko sa kamay, edi yung isang sugat, nag-bukas ulit, maliit lang siya, maliit na maliit pero mahapdi pag napalo, mukhang indication na yun na unti-unti ng nalalamatan yung pangarap ko. Haha. Tas yun natapos na kami, treat ko na yung rent sa studio, malaking % na binayad ko, tapos yun natapos na kami. Hindi ko na siya nakasama. Bakit ganun? simple lang naman pangarap ko ayaw pa ibigay, magkaron ng solid na banda yung natitira talaga kasi matibay, tapos makatugtog sa isang palabas tsaka mapalakpakan ng tao. T.T, yun lang naman oh. Ayaw pa ibigay., naaapektuhan pa yung ibang bagay. >.<. Sorry Shaihyie.

14th Scene: Commencement

Time Check:
November 05, 2008
6:56AM (Manila Time)

Eto na yung day na yun. XD. Madami mangyayari dito sa date na to. Good morning mother blogger. papasok na ako ngayon,. Nangangarap na sana magkaron ng magandang outcome yung sa banda namin. Ngayon na din uuwi si Xayi, Yown la na loveless act. Sana? Kaso baka magkaron parin. Haha. 6:15am ako nagising kanina tinatanong ko pa sarili ko kung papasok ako kasi naulan tas yun, pagkabangon ko bigla nawala yung ulan. WOW. XD, ahaha. Tas yun. Basta gagawin ko lahat ng pwedeng paraan makatugtog lang kami, sana sa November 6 na kami mag-audition para makapagpractice pa kami ngayon, wala pa din akong bagong drumsticks, putol pa din ang ginagamit ko. haha. XD, tsk. uunti na ngayon production ko ng posts. Yown, baka malate pa ako. Kelangan ko na pumasok, makikita ko na din uli siya, sana. XD. lewl. Sige sige, papasok pa ako ng school, mga balik ko mamaya mga 8:00pm na. magpractice pa kami ng banda kung may pag-asa pa makatugtog. MiskewnaXayi. XD Ciao.

Tuesday, November 4, 2008

13th Scene: Sigh

Time Check:
November 04, 2008
10:09PM (Manila Time)

Tapos na ako maligo, kumain na ako ng dinner, di pa ako nakakainom ng gamot, medyo ok na pakiramdam ko. As i said earlier, papasok na ako bukas, wala na, wala na ako sa grad pics. pero sana xiempre magkaron parin ko ng opportunity na makapagpapicture. B-). Tas yun hindi ko parin alam kung ano mangyayari bukas dahil sa banda. Pano na kaya ang banda ko? 4 days nalang bago yung tugtugan. Tas isa palang natutugtog namin, hindi pa maayos. eh ang kelangan tatlo. Nakakaasar kasi, lagi nalang sinasabi nung isa, "kaya ko na yan", "madali lang yan". Hays,. Kaya na ba talaga? Eh, hindi pa nga marunong sumipra, sana antagal na namin tapos kung hindi na siya nagpapaturo eh. Wala akong magagawa, nakikita kong hindi na siya kahit interesado manlang tumugtog sa banda, halatang-halata na tinatamad na eh. Bahala na mga mangyayari bukas. XD. haha goodluck saken,. tapos yun. Last post ko na to bago matapos ang November 04. hindi naman halatang halata na wala akong ginawa sa bahay. XD. baka for the next days hindi na ganun kadami ang pagpopost ko ng blog,. Tapos yun, madami mangyayari bukas sigurado. Sa banda, Sa school, tsaka babalik na ulit sa school si Xayi. XD! Yeah!. Haha. amboring pag nasa bahay ka lang talaga. pagkatapos nito mag-ayos na ko ng gamit para bukas, ayoko malate sa school. Mukhang medyo madami akong bibitbitin dahil sa banda. XD, hmm. Bale yun. Good luck sa mga mangyayari bukas(November 05). WEEE. Bye. MisyuXayi. Pero teka, parang meron ako nalimutan na itype ewan ko kung ano. >.<. haha. amputek.hayaan na, sige byebyebyebye.

AJ's Choice Awards: Best PSP Game

Yes! FFVII-Crisis Core! Napaiyak ako sa Ending neto.
Ganun ka-Ganda at ka-Gay yung laro na to. XD

Cut: Paper Jam

Bakit keya ganun. Ambagal ng Deviantart. lagi ba sila maintenance? hindi na ba nila kaya i maintain yung mga files sa website nila?. Nung nangyari sa site na yun,. Sira nanaman ata Domain. or,.. baka saken lang? mabagal lang talaga interent connection ko? T.T, try niyo nga puntahan yung site na yun.. www.deviantart.com.

12th Scene: loveless act V

Time Check:
November 04, 2008
9:04PM (Manila Time)

Kumain na ako ng Dinner, medyo inaantok na ako, papasok na ako bukas, November 05. Bukas na din dadating si Xayi mga 5:30pm sila dadating galing sa retreat.. Yes. Kaso, >.<. May practice kami ng banda sa hapon, sa November 06, rest day nila, dun na yung audition ng banda. Wala parin sila nun sa school, friday siya makakapasok ng school, pero may practice parin ako ng banda. Haha, Pano kaya yun? Bahala na. Sa November 08 nalang. Good luck sa banda ko sana makatugtog kami sa November 08. >.<, tas yown, sinisipon, inuubo parin ako, medyo masakit padin ang ulo. pero kelangan na pumasok bukas, magdadala nalang ako ng epidemia. Sana Thursday nalang yung audition para makapagprepare banda ko. Tsaka sana makita ko na din siya agad para wala nang Loveless scenes sa movie ko. XD. Misssskonayown. 3 days lang kaso. XD. ahaha Adik lang talaga.

AJ's Choice Awards: Best MTV


Endless, a Silent Whisper- Urbandub

11th Scene: Pal

Time Check:
November 04, 2008
6:38PM (Manila Time)

Whew, bukas na yung audition dun sa banda, kinakabahan ako, hindi pa kasi ganun kalinis yung tugtog nung banda ko eh. Pero hayaan na. Tapos yun, mejo gabi na, ako lang tao sa bahay, boring na boring. XD. Buti nalang nanjan bespren ko para machat ako ng konti sa YM. XD, haha. naks, Ayos din pag may lagnat ka, meron mga tao na nag-aalala sayo, at dun mo nafeefeel na hindi ka nag-iisa sa mundo. XD, naks. Yown, oras na para magpasalamat,.. Sa mga kaibigan ko, Sina Paulo, Hyrille, Kaye, Dominic, Aaron, Jeco, Gian, Johann, Albert, JL, Miguel, EJ, Neezeth, Jonas, Mariel, Giorgia, Cyrille, Janelle, Nikka, Clarence, Junella, Jennica, Krizia, Theresa, Alara, Rizza, Desmond at madami pang iba pa.. Lol. Lahat ng kasection ko. XD labs ko yung mga yun kase, 70% sa kanila kaklase ko na nung grade 3 tapos yung iba nung 1st year highschool. ko pa classmate, tapos yung iba hardcore, simula prep. >:). Yown, Medyo matagal tagal na rin kami magkakaklase tas 4th year na kami, time to say ciao babies... Sigurado sa graduation, iyakan yan... Tas siyempre yung mga kabanda ko.. lab ko yan. Sina CJ, Jeco, Albert, Gian, Andre, Dominic, Jonas A., Jonas C., Miguel. tsaka yung mga nagturo samin xiempre tsaka yung mga naging kaibigan ko na rin gawa ng banda gawa ng musika. XD. Haha. Hindi rin mawawala yung mga kaYFL ko. Ace, Ate Marice, Junella, Camille, Joco, Dominic. XD. maraming salamat sa kanila kase nagkaron ako ng time for religous services kaso laging may conflict sa schedule ko. XD. Nu pa ba? Yung mga relatives ko. Mga pinsan! Kuya Reinel, Kuya Jech, Alvin, Naomi, Ate Rayanne, Gianni, Nikko, Lian, Jinwel, Gabrielle and many more. Hahaha. Tapos yung mga online friendsters. Tas yung mga kaonline games. Mga kacomputer shop. Basta lahat na, yung mga kapitbahay ko, yung mga nakalaro ko dati, yung mga nakasama kong maligo bata man o matanda, mga schoolmates ko xiempre. basta lahat na, yung mga lahat ng tao na nakilala ako tas napasali sa TV station ng buhay ko, nasa soap opera man, nasa variety shows, or kahit sa commercial lang. Salamat ng madami. Hindi mabubuo ang halimaw na si Jerel kung ala kayo. XD.. but wait there's more! Siyempre kay Shaihyie, na nagturo saken kung pano maglaba. XD. Joke lang, Xiempre malaki impact ni Boss(Shaihyie) sa buhay ko. Malaki as in, mas malaki pa kay Voltron or Daimos or VoltesV magsama pa silang tatlong lata., Seriously, iba yung dating saken ni Xayi as a friend, basta special siya.. ^^, basta un na yun,. Minsan lang yung opportunity na magpasalamat tayo sa lahat ng tao na nakasalubong natin. Guys and Girls, Salamat! Pati ikaw na nagbabasa kilala man kita o hindi salamat sayo friendly neighborhood.

~no man is an island.

10th Scene: loveless act IV

Time Check:
November 04, 2008
5:20PM (Manila Time)

Labis na naiinip, nayayamot sa bawat saglit... kapag naaalala ka, wala naman akong maggawa.. Umuwi ka na Bibi, di na ako sanay ng wala ka, mahirap ang mag-isa. At sa gabi'y hinahanap-hanap kita. Hanggang kelan ako maghihintay na makasama kang muli sa buhay kong puno ng paghihirap at tanging ikaw lang ang pumapawi sa mga luha at naglalagay ng ngiti sa mga labi, di mapigilang mag-isip, na baka sa tagal, mahulog ang loob mo sa iba. Nakakabalisa, knock-on-wood wag naman sana. Umuwi ka na Bibi, Umuwi ka na Bibi, Umuwi ka na Bibi. XD. Ahahaha, Adik!


Lab yu.

9th Scene: Game Plan

Time Check:
November 04, 2008
4:22PM (Manila Time)

Kakagising ko lang, medyo ok na pakiramdam ko, hindi na talaga ako nakaabot sa grad pics, pero pwede pa magplano para sa audition sa banda namin. Hmmm, sa November 08 yung real na tugtugan, hindi ko alam kung November 08 na talaga, yung audition, pwede pa naman ipagpaliban yun, November 4 ngayon, yung magtuturo samin pwede ng Wednesday and Friday, pero hindi parin namin mabubuo dun yung lakas ng pagbabago, Hmmm. Ang kelangan ko na talaga malaman is kung kelan yung tugtugan, kapag umaga yun hindi na kaya, kapag medyo bandang hapon or gabi yun, kakayanin pa. Hindi ko alam hindi pa ako sigurado kung ano talaga oras, pero yung 2 songs na extra baka makuha na namin yun sa week days, tapos saturday na yung talagang tutugtugin.. Hmmm, here's the plan, November 04 ngayon, sa 05, magpractice kami kasama nung magtuturo tapos sa 06 magpractice ng independent lang or punta kami dun sa music studio na meron kami kilala tas paturo nalang ng chords nung tugtugin talaga, tapos, sa 07 which is friday, magrent kami ng gamit tapos dun nalang kami magaudition.. Mga 51% ang chance na makatugtog pa kami sa November 08,. Paggusto talaga madaming pwedeng gawing paraan.

AJ's Choice Awards: Best Movie

Ganda ni Emma Stone. XD

Drums

"The best dreams are the unattainable ones"

Grade 3 vacation namin yun, Hindi ko alam pero, mga 8 years old ata ako nun nung sumali ako sa Drum and Lyre Band, "DLB". Tanda ko pa nun yung, late ako nung dumating ako dun sa parang "Summer band camp", 1st day yun, pumunta ako dun sa room kung asan sila , nakita ko yung isa kong childhood friend na classmate ko, tas yun andun yung magtuturo samin si Sir Jonathan, ang unang teacher na nagturo sa ken kung pano magdrums, tinawag ako tas sinabi aken kumaha na ako ng drum, Unang hawak ko ng drums ay yung snare,. XD, haha. Tas "Lupang Hinirang" yung 1st song na tinuro samen, siyempre National Anthem ng Pinas, Drum corps nga eh. 1st palang nung song hirap na hirap na ako, yun yung Drum Rolls, Fast strike sa drums, signalling na magready na sa national anthems, hindi ko alam pero hanggang ngayon hindi ko parin ma perfect. XD. Ayos naman yung mga sumunod na practices, mga bagong kaibigan tas bagong pagkakaabalahan, at siyempre start ng bagong pangarap. XD. Mga grade 4 nun, napromote ako, hindi na lang snare hawak ko, nakakapag cymbals na rin ako. ahahaha. Napakaorganized kasi dati ng DLB kasi naaalagaan pa. Hindi ka pwedeng humawak ng ibang instruments unless, napromote ka na. XD, haha. Tapos yun, Grade 4 vacation, Summer band camp ulit tapos tuloy-tuloy na, Tinuruan na ako dun ni Sir Jonathan na mag Triple Toms Drum. XD, hehe. At first siyempre mejo nahihirapan ako kasi single drums lang dati dala-dala ko eh, tapos yun. Naging ok naman ako dun sa Triple Drum, tas nakapagbass drum na din ako. Edi yun, versatile na akong drummer, kahit ano na pwede kong tugtugin. XD. haha. Drum-hog. lewl. tapos yun. Grade 6 kami, wala na si Sir Jonathan sa School namin, pero ok parin ang DLB, andun pa yung hardcore members from lyrists, majorettes hanggang drummers.. Tapos yun, nung makagraduate ako ng Grade School, nakuha ko yung "Drummer of the Year Award". Yeah ang aking paboritong award na nakuha ko last grade school..

Edi ayun, Tapos na yung grade school life, High school na ako.. Tapos napag-isipan ko na gumawa ng band, grade 6 vacation yun going to become a freshmen HS student. Yown, tinawagan ko mga kebigan ko nun, si Albert, tsaka si CJ. tapos yun,. Nagprapractice kami nun dun sa music studio ni Ms. Lulette, (Si Ms. Lulette din yung naging DLB moderator after nung umalis na si Sir Jonathan.) Yun at first, hindi ko alam kung anong instrument ang pag-aaralan ko, nasa isip ko talaga is keyboards, tapos si albert sa drums. Pero ewan ko kung pano nangyari, pinahawak ni Sir Gail (Sir Gail- teacher namin dun sa music studio) si albert ng guitara tas naging drummer na ako, si CJ yung bassist. Nung vacation na yun, may training pa din ang DLB, kaso eh ayun nakakaasar kasi madami sa mga kabatch namin ang nagquit na sa DLB, edi whole bunch of kiddos ang mga nadagdag. >.<, ang hirap, di na tulad ng dati. Wala na kasi yung mga "veterans". haha. Pero siyempre hindi ako nagquit sa DLB. Ayown. 1st day namin dun sa music studio, nagbriefings muna si Sir Gail tungkol sa pagbabanda, yung pinakanatandaan ko dun sa sinabi ni ay yung anow, yung, "eto bang pagbabanda? interesado kayo o desidido kayo magbanda/matuto? kasi kapag interasado lang kayo at gusto niyo lang sumabay sa uso, mahihirapan tayo nan, pero kung desidido kayo matuto madali ko lang kayo matuturuan." Tapos yun. XD, Si Sir Gail ang nagturo saken magdrums, (drumset) tsaka magbanda samen. Madami, madaming pagbabago nung nagbabanda kami kahit hindi pa kami natugtog kahit saan. XD. Unang line-up, Ako(drums)-Albert(Guitar)-CJ(Bass Guitar)-Marol(Vocals, Guitar), tapos may nadagdag, si Marion(Keyboards). XD. Ewan ko kung tanda pa nila yun. XD. Tapos umalis si Marol tsaka si Marion, dumating si Gian(vocals), tas si Aldrene(Guitar) tapos nagkaron ng pangalan yung banda namin "Echo in Silence" naks. XD, Credited by CJ., Nawala si Aldrene dumating si Miguel(keyboards), tapos yun naging stable yung banda namin (Ako, Albert, CJ, Gian, Miguel) hanggang nung 2nd year umalis si CJ and Miguel. Edi yun, nahirapan kami nung una maghanap ng bagong bassist tas biglang lumabas si Jeco,. Nahihirapan kami tumugtog kasi walang mga guitara mga kabanda ko, Tapos yun 3rd year, nagkaron ng battle, of the bands interschool yun, tapos sumama samin si Karl(guitars). Akala namin 2nd kami, pero hindi pala. XD. ahaha. yun, after nun nagkatamadan na magbanda, ewan ko kung bakit. Tapos last year din nung 3rd year kami, nakilala ko yung sina Jonas, tapos yun nireto ako ni Jonas dun sa Kuya niya tapos nagustuhan naman nung kuya(Andre) yung palo ko. Wow bagong banda to. XD. tapos yun naging kabanda ko sila ngayong 4th year ako. Pero nahihirapan kami ngayon, kasi iba't iba ang schedule namin. XD. haha. pero sigurado this vacation OK na kami lahat. tapos at present, magkakaron ng tugtugan ngayon sa school, tapos nirevive ko ulit yung banda ko (Albert, Gian, Jeco) Kaso mahirap, wala silang guitara, hindi pa namin tapos yung kanta, Sa november 08 na yung tugtugan, May audition ngayong November 04 kaso may lagnat ako, tapos nagkakatamadan pa. XD. hehe.


Ako? Desidido talaga ako magdrums. Passion para saken pagpinapalo ko yung tambol, kahit hindi naman ako ganun kagaling, yung paggawa ng music accompanied ng mga kabanda mo, ecstasy ang feeling, Hindi ko pa naeexperience tumugtog ng original composition, puro cover palang ako ng mga kabanda ko eh. Pero mukhang masaya,. XD. Bakit nga ba talaga ako nagdrudrums? Hmmmm. Dati kasi eto yung naging stepping stone ko para mapansin ako nung crush ko, XD kaso nadulas ako eh,.. Pero as days passed, biglang nagbago tingin ko sa pagdrudrum, mahirap iexplain pero masyado na akong devoted sa pagpukpok ng tambol eh.Nakakaaddict! Haha. desidido na talaga ako sa ginagawa ko na to. xD

8th Scene: Decision

Time Check:
November 04, 2008
12:14PM (Manila Time)

Kumain na ako ng brunch, nagPSP ng konti- NBA live 2009 Spurs gamit ko. XD. Nanood na din ng NBA.. Sinisipon pa din ako, Medyo nawala na ata lagnat ko kaso masama parin pakiramdam ko. Tiningnan ko schedule namin ngayon sa school, kapag pumasok ako ng hapon, Filipino, Math Elective tsaka Catechism lang ang gagawin namin, sabi na din ni mommy wag na din ako pumasok, wala na akong aabutan na grad pic sigurado, Audition sa banda? sigurado wala naman dalang instruments mga kabanda ko wala naman kasi sila eh, tawagan ko nalang sila mamaya na sabihin dun sa nagpapa-audition kung pwede sa November 5 nalang which is bukas. Yun, hindi na talaga ako papasok ngayong November 04, boring sa bahay, Hmmm. Mga kanina lang nakachat ko yung isa kong kabanda (ibang banda to). May problema din banda ko na to, Ang problema, nagkakatamadan na din. XD, ahahaha. Iba't iba kasi schedule eh, yung vocals gragraduate na ng college kaya napakabusy, yung bassist sa University of Perpetual Help pa ang school kada weekend lang umuuwi, yung isa naman guitarista, la naman problema dun, siya pa nga yung nagtuturo dun sa isa kong banda(yung magauaudition), ang problema lang talaga yung isang guitarista, mahirap contactin eh. Eh ako yung middleman nang banda namin, ahahaha. Tugtog daw kasi kami sa University of Perpetual Help basta sa mid-December, malayo pa naman pero pinaghahandaan na, yung banda ko na to alam ko, gusto talaga nila yung ginagawa nila. Kaya ok. XD, ahaha. Dun kasi sa isa kong banda halos ako lang ata tsaka yung vocals ang may gusto talaga na tumugtog eh. Yung bassist ok lang, madali naman contactin, gusto din niya, kaso yung isa. hays. Ayaw pang sabihin na ayaw eh. Mahirap kontrahin yun eh matagal na kasi pinagsamahan namen. haha. Lewl..

Tapos yun, wala parin akong magawa, wala pa akong load, ayoko naman magload kasi hindi naman makakapagtext saken si shaihyie kasi nasa retreat nga, Hayss. Miss ko na yun, XD. Ahahaha, Lab-less ako ng 3 days, ampanget pa nung bye ko sa kanya last Nov. 3. Buti nalang may bago akong hobby, ang magBLOG. XD. labyuanikew.

AJ's Choice Awards: Best Song

7th Scene: Dead Man's Wake

Time Check:
November 04, 2008
10:03AM (Manila Time)

Ngayon lang ako nagising, Amf. Andami ko namiss sa school, Ngayon yung "audition" nung banda namin, hindi ko alam kung ano gagawin ko, kung papasok na ako o hindi pa. Pano yan? Eh may lagnat pa ako. >.<, Tas yun nagtext yung isa kong classmate, Grad Pics daw ngayon, Shit paano ako? T..T, Edi wala akong primary photo sa slumbook ng batch 2008-2009 graduatees? WTF, nakakaasar talaga balak ko pumasok mamaya, maghalf-day nalang ako. Kaso, baka lumala lagnat ko hindi nanaman ako makapasok. Pano na kaya yung banda, tas Grad Pics. T..T, Si Shaihyie nasa retreat pa, Miss kew na. Lol. Kelangan mag discern kung ano talagang tamang gawin. Sigurado pag nasa school na ako hindi na sila nag gragrad pic pero makakahabol pa ako sa audition. Pero, wala pa naman kaming buo na talaga na kanta eh. walangyahanepasashit. Nooooo.

Monday, November 3, 2008

6th Scene: Slumber

Time Check:
November 03, 2008
11:23PM (Manila Time)

1st day of blogging ang dami ko na post, weee. Nilalagnat parin ako hindi ako makakapasok bukas. WTF. pano na banda, >.<.. Hay nako. Mejo gabi na. Inaantok na ko, kaso sigurado mahihirapan ako makatulog, sipon na sipon ako tas inuubo pa, Miss ko na si Shaihyie, Nu na kaya nangyayari dun?, Sigurado pagbalik nun andame nanaman picture na naipon nun sa retreat nila, tas yun, wala akong goodnight sa kanya kaya mahihirapan ako matulog, lol? mukhang masyado na akong preoccupied sa kanya eh, iba na talaga pag-inlabs, lewls. CORNY!. XD. Haha. Ganda ng Debut ng Blog ko ngayon, 10 posts agad for this 1st day. Pano kaya ako makakatulog? pero ramdam ko antok na antok na ako eh. XD hahaha. Yun na yun haha. Goodnight bloogy. lab yu. see yu in hell.

NBA's fresh start

I am a frustrated basketball player, every Filipino is a frustrated basketball players. XD. Pero xiempre ineenjoy natin manood ng basketball tas yun. Haha. Para saken mas ineenjoy ko manood ng basketball. XD. Kaya ayown.. Opening Season ng NBA for their season 2008-2009, madaming mga nagbago sa Roster ng each team tapos yung mga "not so strong teams" nagboom! Tas meron din naman mga teams na humina, may bagong team. Oklahoma Thunders, palit sa Seattle Supersonics. XD ahahaha. Hmmm. Yown, Go Washington Wizards!. XD, ahaha. Hardcore Fan ako nang Wizards. Xiempre Arenas. Kaso Injured, XD. Lakas kasi sa NBA live. Ahahaha, Hmmm. Ok din naman Houston 3 big stars ang nasa team nila, Pero Rumors na malaki ang chance ng Lakers na magchampion. XD. Go Wizards parin kahit panget ng start 0-2, wala si Arenas, wala si Haywood. T_T.

Friendster

Hoy! OO, Ikaw nga! 97% possibility sigurado may friendster account ka. Pero alam mo ba talaga kung para san etong friendster na to? pwedeng sabihin mo na; "friendster", website na gamit for online friend search. Pwede, pero parang hindi din. Kanina nung nasa school pa ako, nakausap ko yung classmate ko, tinanong niya ko kung ano ba talaga purpose ng friendster, bat ang dami naggaganun. Sabi ko, yun nga, online friend search. Counter Answer naman niya, "Hindi mo naman masasabing kaibigan mo na ang isang tao kung hindi pa kayo nagkikita ng personal." Tama siya, pero para sa mga pilosopo baka sabihin nila na, sila yung tinatawag na "online friend". Pero iba yung word na "online friend" sa friend. OO related sila, pero di sila magkapareho.

Sa online world, may ability ang mga tao especially yung mga mababa ang self acceptance na palitan ang kanilang personality, mas madaling magpretend dito kase siyempre di nga magkakakilala yung mga users kaya pede ka mag-imbento ng personality mo na gusto mong ipaalam sa kanila na ganun ka, parang ano, you go with your fantasies (once na biktima ako neto); Sa real world siyempre pagnagpretend ka kaplastikan na yun… Sa online world din, naeexpress mo yung feelings mo na hindi mo maexpress sa mga tao na kakilala mo. Malaki ang percentage na dahil ito sa nahihiya tayo sa mga kakilala natin na iexpress ang feelings natin while sa mga taong hindi natin personally na meemeet ay naeexpress natin ung affection natin. Psychologically di ko lam kung baket or kung ano yung reason.

Maaring nagfriefriendster or kahit ano pang "online friend search websites" ang mga tao, hindi lang dahil naghahanap sila nga mga kaibigan online, kundi gusto din nilang iexpress ang feelings nila sa mga taong di nila kilala (not literally, pero you should get my point if you are a grade school graduate) o keya naman ipakita nila ang kanilang sarili at their best, walang negative, puro positibong pananaw tungkol sa kanila at magkaron ng ibang personalidad maliban sa personalidad na naiwan nila sa "reality". Di ba ang sarap magsagot ng mga parang "slambook" na dating na fill up forms, yung ililista mo yung mga favorite mo, pero di mo naman talaga gusto, nakikiuso at nakikisabay ka lang kase ayaw mo maiwanan sa mundong ito, na ang naiiwan ay yung mga taong totoo.

Hindi ko sinasabing ang lahat ng nagfriefriendster ay hindi totoo, nilagay ko lang ang ginawa ng karamihang tao sa friendster(isa nga nga ako sa karamihang taong yun).

Ngayon naliwanagan na ako kung baket talaga tayo nagfriefriendster, Kung para san din ang friendster… Kahit na negative ang binigay ko na information, na conclude ko na nagfriefriendster tayo dahil tayo, mga tao, in nature ay naghahanap ng companions na tatanggap sa atin bilang tayo. At ang main purpose ng friendster ay ang pagtulong saten sa paghahanap ng mga taong tatanggap saten bilang ang ating mga sarili.

Pero, Reallistically though.. SHIT, chicks/boylet search na to eh,. Hahaha. At yun na nga din, para maging IN. Tao talaga natural na ang pagiging mayabang.

Haha. Wala na akong friendster ngayon, pinadelete na. XD, Tsaka, hindi lang naman talaga sa friendster, kaso friendster ang umuso sa Pilipinas, pangMasa man o Hindi. XD.

(Repost ko lang dito. July 4, 2008 nung pinost ko to sa blog ko sa friendster.)

5th Scene: loveless act III

Time Check:
November 03, 2008
9:45PM (Manila Time)

Hahahay. Tapos ko na icustomize blog site ko. >.<, Nasa retreat pa si shaihyie sa wednesday pa balik nun. >.<, ampanget pa nung byebye time ko dun. T..T,. ahaha. malas lang. nakew po. Nilalagnat ako. Di ako makakapasok bukas, pano na yung banda, T.T, Miss ko na si Boss. Lab yu.


Bigay ko yan nung November 1, 2008. B-)

4th Scene: loveless act II

Time Check:
November 03, 2008
7:42PM (Manila Time)

Whew, kakakaen ko lang ng dinner tas nilalagnat pa din ako, auto-pilot sipon ko na lumabas sa gateway ng nostrils ko. XD. inuubo din, nilalamig, masama pakiramdam, namomroblema kasi gawa ng banda ko. pero buti nalang may bago akong hobby, ang mag BLOG! Yeah, daldal ko dito.


Last November 02, 2008, kahapon lang ulit habang gumagawa ako ng letter, nagtext sakin si Shaihyie. "Ui, favor naman.". Edi tinanong ko kung ano yun. tas sabi niya, kung pede daw ako pumasok ng maaga sa November 03 sa school. mga 6:35AM OMG, monday yun, tapos 1st day pa ng school after sembreak, eh mejo hindi naman ako punctual. XD.. Keya yun, sabi ko "Uhmm, Sige pipilitin ko"... Nakaindicate naman dun sa ginagawa ko na letter na baka hindi ako makapasok ng maaga, kasi, mahirap, napakahirap para saken napumasok ng maaga, hindi ko alam kung bakit, tapos may lagnat pa ako nung gabi na yun. >.<,.. Kinakabahan ako baka magalit saken yun, pero xiempre ang plano, isusurprise ko xia kaya kelangan ko na sundin ung favo niya,. Mga 9:30pm nung Nov 02. nabadshot ako sa kanya sa hindi pwedeng sabihing dahilan, tapos, malas lang talaga kasi nawalan pa ako ng load. Eh yun, nagalit kasi bakit hindi daw ako nagrereply,.. Hindi ako makapagreply kasi wala akong load tapos naggagawa pa ako ng letter para sa kanya, eh nung time na yun hindi niya alam na magbibigay ako ng letter, expected niya na hindi ako magbibigay or kung magbibigay man ako parang walang kwentang letter lang ibibigay ko, nagpa"share a load" lang ako tas nagtext ako, tapos nagreply naman xia tas yun, naggoodnight na, tas hindi ako naggoodnight para akala talaga niya wala akong pakelam sa kanya. XD, Dun ako sa letter ako naggoodnight for that given date para sweet. haha. Tas yun na nga. 11:00PM hindi parin ako tapos gumawa ng letter ko (pero xiempre yung letter na yun pinaghandaan ko talaga), antok na antok na ako, tumutulo pa sipon ko, inalarm ko CP ko ng 5:15PM kahit alam kong mukhang wala ng pag-asang magising ako ng maaga. XD 11:40PM, tapos na akong gumawa ng letter, salamat natapos din, ayos! 10 pages nagawa ko! XD. ahaha, ilalagay ko pa sana yung binigay niya na letter saken nung nagretreat ang section ko, antagal ko hinanap yun pero hindi ko nakita. tsk. Halos 12:30mn na nun, antok na antok na ko, tapos nilalagnat pa ako nung gabi na yun, tsk baka hindi pa ako makapasok kaya naisipan ko ng matulog ng hindi iniinom ang gamot para sa FEVER!. 6:15AM, nagising ako. Tiningnan ko CP ko WTH . 5:15PM pala nalagay ko! >.<. stupid. 6:35AM daw dapat akong pumunta sa school, 6:15AM na, may 20minutes nalang ako para mabuhay... Hindi na ako kumain ng breakfast, dali-dali ako naligo, sinisipon pa din ako, inuubo, pero thank god nawala na yung lagnat. 6:40AM umalis ako ng bahay muntik ko na makalimutan letter ko, late na ako T..T, tapos yun, eh lagi naman siya naggoogoodmorning saken pero kaninang umaga wala. patay. Badtrip yun, tas yun nung malapit na ako sa school, tinext ko xia, "Goodmorning xayi, labyu. Asan k n? Punta ka canteen. XD". (with a sweet XD. haha), tas nagreply, "kakagcng mo lang papupuntahin mo na agad aq.".. oh my god, hindi naniniwala saken na maaga ako pumasok ng school, badtrip na nga. talaga tas yun, nagreply ako, sabi ko, "Malapit na ako sa school, di nag-alarm cp ko kanina." (wala na akong nilagay na emoticon dun sa text ko kasi alam ko inis na yun,.. late na ako eh. XD). tas un nagreply siya. "Okayy. Wait lng. Toothbrush lng. :O."

O_o. Basag ang trip ko. Basag ang plano. Haha. Nauna pa pala ako sa kanya sa school. nu ba yan, Ampanget tuloy nang surprise ko. Wala, naasar ako. Kaya yun, halos yun nga lang ang pinasok ko ng school tas ganun mangyayari, kaya umabsent nalang ako, nilalagnat na din naman ako. Tapos yun, nilagnat na nga talaga ako ng tuluyan.

3rd Scene: loveless act I

Time Check:
November 03, 2008
7:00PM (Manila Time)

Hay nakow. Amboring ngayon, nyahahaha. Wala kasi yung lourve ko. <.<. Nasa 3 day retreat.. Musta na kaya siya dun? Hmmmm.. Kwento ko nga pala senyo mga lugi kong preparations para sa retreat niya.. :D

Last November 02, 2008.. gumawa ako ng letter sa kanya para sa retreat, yung format nung letter na yun, parang ordinary test paper. XD, wala lang naisipan ko na ganun tas sa intermediate pad paper ko nilagay para mukhang totoo talaga tsaka para cheap(literally means makatipid ako). >:). Hmmm. Tapos yung letter ko sa kanya, isa yung inspiration para maggawa ulit ako ng blog, XD. Kasi based dun sa letter ko yung synchronization ng blog ko ngayon. Galing no? XD. ahaha, 10 pages yung ginawa ko sa kanya 5 intermediate pad paper, puno lahat ng page. tas "test paper format letter", XD. parang minor subject nga lang yung retreat nila dun eh, yung mga nilagay ko dun sa leter niya,... Yung I- who is she for me, II- ano impact niya sa buhay ko, parang mga tas xiempre sa 10 pages na yun hindi mawawala dun yung pagsabi ko na how much i labs her. (naks corny). tagal ko din nun ginawa, At antagal na niya din humihingi, tas katext ko xia nung ginagawa ko yun, niloko ko xia na hindi ako gagawa, galit na galit saken akala hindi talaga ako gumawa, lahat naman ng plano ko naexplain ko dun sa letter ko na binigay ko sa kanya. Tas yun sana naappreciate niya yung ginawa ko na letter, T.T.

Cut: Malfunction

Waa. Bakit ganun, kelangan baliktad yung 1st scene and 2nd scene. XD pero ayun, hayaan na. Ginawa ko na lang ganun. Ok nanaman eh. Tapos ung time minsan nagkakaiba. XD. haha, newb palang ako dito eh. XD

2nd scene: Idle

Time Check:
November 03, 2008
6:51PM (Manila Time)

Tsktsk, nakakadepress eh.

Devoted talaga ako sa pagdrudrum, sa band. Pero mahirap pag yung banda iisa or dadalawa ang kumikilos. Pano kung tinatamad lagi yung iba? Kahit isa lang yung tinatamad, malaki ang apekto sa banda. Xiempre hindi tatayo ang upuan kung putol yung isang paa. Hays. May mali din ako , alam ko, pero ginagawa ko yung part ko, kaso minsan ako na din gumagawa nung pwede naman iba na ang gumawa eh. sa Nov. 08 meron kami tugtugan, 3 songs ang kelangan. 1 song palang natutugtog namin, hindi pa malinis,. "madali lang yun". Shit, hindi nga matugtog ng ayos eh tas sasabihin na madali lang. Nagsembreak na, hindi pa kami nakapagpractice nun. Tinext ko sila na magpractice pero, wala eh. Sa part ko as a drummer, madali lang naman kumuha ng beats ng given song eh. Hays. Mahirap talaga pag dedicated ka sa isang bagay na hindi naman talaga bastabasta nakukuha. Wala, sigurado hindi kami makakatugtog dun. Pero sana may pag-asa parin siyempre, mga dudes, love ko talaga ang pagdrudrum eh, ang pagbabanda, kaso kelangan pag magbabanda ka, dapat alam mo na gusto rin ng mga kabanda mo ang ginagawa nila.

1st scene: Lies

Time Check:
November 3, 2008
6:32PM (Manila Time)

1st scene ang ganda ng theme. XD. ahahaha

Lol. haha, ang galing nung araw na to, kagabi kasi, nilalagnat na ako. kasi last November 02, Sunday yun, ewan ko pero parang main cause nung pagkakaron ko nung lagnat is yung nung nagpractice kami ng banda, putik ang init dun sa music studio. XD. 1st song palang pawis na pawis na ako. Haha. Tas yown paglabas namin, para daw ako naligo. Tas nagevaporate pawis ko, natuyo, nakatapat saken electric fan eh may ubo na ko nun, edi nung gabi nilagnat na ako. tas hindi ako uminom ng gamot. Pero, tapos medyo nawala naman kaninang umaga tas pumasok ako ng school kasi 1st schoolday after the sembreak, tsaka may gagawin ako. Tas yun, pagkatapos ng 1st period which is Economics, Computer next subject namin yun eh ang lamig sa computer room. XD, Tapos yun 3rd period nung math, sinipon ako. Nagpatext ako sa classmate ko kase la na ako load, sabi ko parang nilalagnat ako patext si mommy na sunduin ako. Ngayon din! XD. Tas yun nung reccess tumawag ako sa house, tas si daddy daw susundo saken, sinundo ako, pumunta kami HS clinic, sarado, tas punta sa GS clinic kumuha ng admission slip. Tapos umuwi na, mga 11:30am nasa bahay na ako nun, tapos yown. kain ng lunch tas siesta. Tapos pagkagising ko... PRESTO! nilalagnat nanaman ako. XD. haha, edi yun, hindi kami nakapagpractice ng banda, tapos bukas pa ata audition for LACASA(battleofthebands). T..T, i'm dead like meat.

Introduction

Una s lahat. Briefings muna ako kung anu yung Blog… Blog? Anu nga ba yun? Para san nga ba talaga to? Kanina lang, kinuha ko yung dictionary tas tiningnan ko anu ba talaga meaning netong blog na to. Taeng dictionary yun di naman nakalagay. nagisip ako, shortcut term ba yung blog? Pero mukhang hindi naman, di ba?, kase kung shortcut nga, kelangan nakalagay yung meaning niya sa dictionary paren. Last and most effective resort na ko, si Wikipedia na tinanung ko, Eto sabe nia. A blog (an abridgment of the term web log) is a website, usually maintained by an individual, with regular entries of commentary, descriptions of events, or other material such as graphics or video. OIC, haha.. para siyang diary highly innovated nga lang. Hmmm. Kung ganun edi pedeng tawagin na "ediary" ang blog, parang "email" di ba? Pero parang nd din, kase pag naging ediary, kelangan private. hmmm, wag nalang pakelaman. blog nalang. yan lam ko na meaning niya…

Teka teka, Bakit nga ba ako nagBlog?.. Hmmm. kase alam kong boring buhay ko ngayon. sira kase ung stupid PC ko. Di ako makapaglaro ng online games. YAK. pero sa tingin ko mas madami namang positive effects nung pagkasira nung pc ko. una sa lahat, masnakakagawa ako ng madaming bagay, at pangalawa sa lahat, masnakakagawa ako ng madaming gagawin.
Pero hindi lang naman dahil sa boring ako, kaya naisipan ko na magBlog. gumawa ako neto para ishare ko sa katiting na mga tao (sana dumami or sana may magbasa manlang neto.) na gustong basahin ang mga sagot sa tanong na nangungulet sa aking isipan na parang kelangan talagang
ipakain ang sagot sa utak kong gutom., Tsaka dream ko. sana mapublish yung mga ginagawa kong to. LOL. Eto lang mga reasons kung baket ako nagblog. Dati kase ang korni nung mga blog ko, puros isang topic lang walang kwenta. Tsaka nakornihan na ako sa ginawa ko dati kaya binura ko na lahat. Etong mga blog na to ngayon, sigurado meron naman facts kayong makukuha according to what my datas concluded. Pwede rin kayong magcriticize dun sa mga ipopost ko, highly appreciated para saken nun pagicocorrect niyo ako kung sakali may mali kase malalaman ko dun na may nagbabasa. (labs you kung ikaw ay nagbabasa na!)

Hmmm. Maaring nagiisip kayo kung baket tagalog etong blog. una eto ung primary medium ng mga pilipino sorry nalang sa mga country aliens na babasa neto. Pero may konti namang English na nahalo dito. Pangalawa ayoko na ng English Posts, ayoko ng magpanggap na magaling ako. ang
korni pala putek. Pangatlo at panghuli parang yung una din, Filipino para mas mabilis maintindihan ng mga taga dito.

Yan wala na akong madagdag, sana ayos natong introduction, uhmm. yung schedule ng pagpost ko dito, di ko lam pero sabihin ko na lang. Maraming salamat sayo kung umabot ka dito sa point na to na basahin hanggang dulo. appreciated ko yun. Tsaka alam ko magugustuhan mo mga topic na gagawin ko, Wag kang mag-alala hindi katangahan mga ilalagay ko dito. maaring seryosong tanong na seryosong sagot. maarin ding kwelang tanong pero seryoso padin ang sagot. salamat sa pagbabasa! Lupet ah. ang haba ng nagawa ko, pagpinapagawa naman akong essay sa school hindi ako makatagal maggawa. indication to na gusto ko yung ginagawa ko ngayon. Yeah. Sigesige, MotherBlogger na ako!

Ciao.

Teka.

Mukhang nabasa ko na to sa http://adriele.blog.friendster.com/..?

Tama. Nabasa mo na nga yan sa isa kong blogsite. kaso, nadelete na yung account ko sa site na yun. Buti nga hindi nadelete yung sa blogs. XD. haha. Hmmm. Bakit keya nadelete? Kase pinadelete nung lourve ko kase daw ewan, di ko makuha point niya pero ok. dinelete ko. XD. yown. Tas yun na nga. Naglipat Site ako. Tas dito na ako. Hmmm. Tapos yun, maybe, yung mga gagawin ko dito. Baka iba dun sa previous na nagawa kong blog, kasi bale etong blog ko ngayon would be my ediary, hmmm. pero parang nd din kasi mapupublish eh. XD, which means, makikita in public. Edi yown. Hindi na private kaya hindi na Diary. XD. Hmmm, ganito nalang, Post ko nalang dito sa blog na to yung mga nangyayari or yung mga nangyari sa ken in a certain date. Parang Diary-based blog. Wahehehe. tapos yun, ilalagay ko rin yung mga current time na nagsimula akong magtype kahit nakalagay naman yung time dun sa post. XD. basta ganun yun, uhmm. tapos yun.

Eto yung magiging script ng daily presentation ko in real life. XD

"Go on, grab your hat and fetch a camera Go on, film the world before it happens"

~Panic at the Disco