Friday, November 7, 2008

26th Scene: Ciao

Time Check:
November 07, 2008
11:24PM (Manila Time)

There are times when I’m lying in my bed, Hug my pillow and cry from this tip again, And my eyes are like windshields on a rainy day, Almost rubbed down, swelling, as I keep on, Digging my face in these cold hands of mine, Heaven knows how bitter I am. ‘Cause this angel has flown away from me, Leaving me in drunken misery, I should have clipped her wings and made her mine, For all eternity, Now this angel has flown away from me, Thought I had the strength to set her free, Did what I did because I love her so, Will she ever find her way back home to me. I’m so tired, I feel like catching forty winks, Being up all night in this elbow room, That puts me in a trance, Where hopes and dreams come true, Now my lips are burning and my eyes are hurting, From this fumes I mixed till I light another, PSPs just to pass my time, oh Heaven knows how bitter I am.



Picture is quite faggy, but get used to it. Maunti lang mga nakita ko pictures ni lola. And she's the one in blue dress. Maybe at this moment, nakapila na siya and waiting for her time to be with God. iloveyou lola, maraming salamat sa lahat. sorry kung hindi nasabi ng personal. I love you lola. Mamimiss ko kayo.

And i know she is now at rest singing with the angels with a big smile on her heart saying you'll just need to get along with your bright scenes AJ. Just go on by and i'll read your daily scriptures to get updated for what is going on down there. xD

25th Scene: Legacy

25th scene. 25 favorite number ko. :). November, November pinaka paborito kong month, at 18days to go, birthday ko na. Maggragraduation narin ako sa March, malapit na malapit na. Ilang months nalang yun...

Tapos, ngayong araw... Kanina lang, hindi na talaga ako nakapaggawa ng blog kase late na late na ako, nakalimutan ko pa baon ko, Nung papunta na ako sa school, nakita ko si Xayi.. Tas I arrived at the school patapos na ang assembly, Nakapila nanaman ako kasama ang lahat ng late-comers. tas kasama ko siya sa Pila, nasa likod ko lang siya. Kinakausap ko xia, kaso hindi siya nagsasalita. Parang wala din akong kausap. Ewan ko hindi ko lam kung bakit xia ganun kanina., Tas yun btw. Advance chemistry 1st subject. Hindi pa ako nakakakuha ng test kaya pumunta ako sa library, tas bago ako pumunta dun, sinabi ko muna sa classmate ko na texttext tayo, which means, itext niya sakin yung mga sagot sa test, nagchecheck na kasi sila ng test paper eh. Haha. tas yun, punta na ako library,. Waa. Ang init, tas nakita ko yung isa kong classmate na kumukuha din ng test sabi ko dun kami sa medyo malamig na part ng library. Waa. Ang hirap naman nung test. T.T, halos wala akong alam. Kaya nagtext na ko dun sa classmate ko. xD. Ahaha, amboring din naman dun keya tinext ko na din si Xayi tas tinanong ko kung bakit ansuplada niya kanina. 3answers lang nakuha ko kay Paulo., Tapos yun, nung sinasagutan ko na yung test sa advance chem ng walang halong daya. At exactly 8:26am sa cellphone ko, nagtext saken si Mommy, "Aj, iniwan na tayo ng lola mo anak.",. O.o,. Ha? Nagbibiro ka lang?., nagreply ako ng tatlong beses. 1."bkt?", 2."patay na si lola?", 3."Asan si lola?"., Isa lang nireply ni mommy, "Oo anak". ewan, pero nanlalambot ako, tas ang tagal ko na katunganga lang, tas after quite sometime, kinausap ko yung classmate ko. Sinabi ko yung nangyari, tas siya yung naging spokesperson ko sa mga teachers. Hindi kasi ako makaimik ng ayos, nauutal ako. Tas pagpasok ko ng classroom, una ko pinuntahan yung classmate ko na sinabihan ko ng texttext., Siya kasi yung madali talagang lapitan. Tas mautalutal ako, tas sinabi ko na "patay na si lola". Kinuha ko yung bag ko, tas umuwi na ako. Naiwan ko calcu ko sa library. (Mita, salamat.) Nung nasa bahay na ako. Una akong pumunta sa kwarto ko tas, wala na, bigla nalang ako umiyak. Pumunta ako sa bahay ni lola. andun pa siya sa kwarto niya, nakahiga. nakasarado ang kamay., halatang halata na may tinitiis siya na sakit. nakikita ko na umiiyak tita ko. Andun din yung parang katulong namin sa bahay. tapos sabi niya, "Bakit hindi mo manlang sinilip kanina yung lola mo nung umalis ka", "Kanina pa siya ganyan simula nung umalis ka". Umupo ako sa tabi ni lola. Hiniwakan ko kamay niya, tapos pilit ko na binubuksan yun. Pero wala, hindi ko kaya. Wala na, wala na yung lola ko. Wala na yung lola ko na nag-alaga saken simula nung una akong pumasok tsaka nung gradeschool ako. Siya din yung laging nanjan saken pag umaalis tsaka wala si mommy, siya yung laging tumitingnin saken kapag ako lang mag-isa yung nasa bahay. "AJ, nakakain ka na meron ba pagkain iniwan mommy mo?". Na kapag aalis kami, sasabihin pa ni Daddy saken na "oi. Magpaalam ka sa lola mo, sabihin mo aalis na tayo". Siya yung laging andun sa kubo tas tatanungin ako kung kamusta na ako. Tas pagnagkakagalit kami ni mommy tsaka ni daddy, Siya yung pinupuntahan ko. Kahapon hindi ko manlang siya nakita hindi ko manlang din nakausap, hindi ko na din tanda kung kelan kami huling nag-usap. Biglaan talaga. Ang gusto ko lang talaga sana yung andun pa siya sa graduation, tsaka mas makasama ko siya ng matagal. Ayun, 18 days nalang birthday ko na. 16 na ako. unang birthday na hindi ko siya kasama. Unang birthday na hindi niya ako mababati. Ambilis ng nangyari, parang kelan lang nung huli ko siya nakausap, nung kinakamusta na niya kung ano mga nangyayari saken. Kelan ko ba siya huling nahalikan? Nayakap? Wala, antagal na nun. Nakakaasar talaga, kung kelan wala na ang isang bagay saka naten makikita kung gaano talaga siya kahalaga saten. Lola, mamimiss ko yung pansit canton mo na merong itlog. Ngayon ko lang ulit nakikita na meron parin pala akong relatives. Nakakaasar, bakit ganun? Uuwi lang ang iba kung kelan merong wala na. salamat nga pla ulit Mita. salamat talaga.