Wednesday, November 5, 2008

19th Scene: Poor Soul

Time Check:
November 05, 2008
11:19PM (Manila Time)

Hindi ako makatulog, nangangati kamay ko. Gusto ko maggawa ng blog post. lol. Wala na nga sa Drums., Nagkakaron pa ng realization tungkol sa kanya. Hindi naman ganun kadali ang pagbabago ng isang tao. hehe. Eto ang real cycle ng buhay, Aim-Dream-Hope-Fall-Die. Mga priority ko sa buhay nalalamatan na lahat, Hmmm. Ano kaya magandang gawin, kumuha ng bagong priority at hintayin ulit masira? O, tumigil na? Pero pano titigil? Natatakot akong maging boring ang buhay ko. Gahaman ako. Haha. Happy New Year! Nakakabagot. Nakakaasar. Nakaka"deeppress". Ang hina ko, maliit lang na problema di ko kinakaya. Yuck bakla! >:). Adik lang.

18th Scene: Self Pity

Time Check:
November 05, 2008
10:25PM (Manila Time)

Mejo gabi na, mejo kelangan na matulog kaso inaatake nanaman ako ng sakit ko, ang pinakamatinding saket mas matindi pa sa cancer, pagnadatnan mo to kala mo wala ka kasama sa buhay mo. Hindi lang ikaw naaapektuhan, pati pinakamalayong kapitbahay mo. Hindi ka makakagawa ng tama, di ka makakapagisip ng mabuti., Lewl, puro pagsisisi, puro pagkaawa. "Nakakaasar bakit ako ganito"? sigurado naranasan mo na to itanong sa sarili mo, kung hindi man Diyos ka. Lahat ng tao nagrerequest na sana iba nalang sila, na sana hindi sila yung kung sino sila. Ako aaminin ko, nasa stage 9791st na ako ng sakit na to, malala na kumapit na sa lahat ng organelles ko. Pero bakit? Bakit hindi ba masatisfy ang tao sa kung anong meron sila? Bakit hindi tayo nawawalan ng gustong mga bagay at napakascarce ng mga to.? Bakit nabuhay pa ang Economics. Pahirap talaga no?., Pero mga dudes, hindi palambitinan ng leeg ang solusyon o pagaahit ng pulso. Hindi tayo payaso at barbero. Tsaka bakit hindi nalang natin iaccept kung sino tayo? Gago. Mahirap yun, mainggitin ang tao, xiempre magtatanong tayo. Bakit hindi nalang ginawa ang tao na magkakapareho ang muka? Bakit yung ibang tao nakakalamang saten?. Bakit mas maganda si Ehra Madrigal kesa kay Cristie Fermin?. Natural na gahaman lang tayo. Tulog na ko mga dudes. Kelangan ko pa magbeauty rest para malamangan kayo sa kakisigan ng pisikal na aspeto. Wiswis. ako'y isang barbero.

AJ's Choice Awards: Best Singer

Cool, Suave. Jason Mraz.

17th Scene: loveless act VI

Time Check:
November 05, 2008
9:33PM (Manila Time)

Ambilis ng oras, ambilis ng pangyayari, andaming bagay nangyari sa araw na to. Tas may sudden realization pa ako na, bakit ganun? Sana diba minsan mas mabuting wala ka nalang alam sa mga bagay-bagay para hindi ka nalang din naaapektuhan. Para inosente, pero bakit meron paring mga tao na pilit parin inaalam yung mga bagay-bagay kahit hindi naman sila naaapektuhan? Tas, bakit kelangan pang makialam ng ibang tao sa buhay ng ibang tao kahit wala naman talaga sila pakelam sa mga nangyayari dito? Tapos yun. Ano mangyayari kapag hindi napili ang mas deserving? >.<. Argh. Ako ay pirata.

AJ's Choice Awards: Best TV show

It seems today, that all you see-
Is violence on movies, and sex on TV,
But where are those good, old-fashioned values-
On which we used to rely?Lucky there's a Family Guy-
Lucky there's a man who, positively can do,
all the things that make us-
Laugh 'n' cry.
He's a Family Guy!
Publish Post

16th Scene: Hardwood

Time Check:
November 05, 2008
8:39PM (Manila Time)

Whew,. Gusto ko talaga magdrums. XD, haha, Mukhang yun yung symbolism nung mga ilaw sa daan paggabi, "City Night Lights".. Xiempre, paggusto may paraan. Tsaka gagawin mo talaga lahat paggusto mo yung isang bagay. OK, yung sa november 08, sige tanggap ko na nawala na talaga kami pag-asa makatugtog pero madami paring opportunities. Pero mahirap din sabihin, sigurado malulungkot din ako, pero mawawala agad yun. Tsaka siyempre mas ipraprioritize ko si Shaihyie. XD, love ko yun eh. Kahit hindi ako ganun kagaling magtambol, eh gusto ko ginagawa ko eh, pakelam pa ba ng iba? Di ba? :D,, walang makakapigil paggusto mo talaga yung ginagawa mo, tsaka masOK nga yun eh, meron ako pangarap. Kesa naman sa mabuhay ako sa mundo na wala akong mga plano sa buhay. Parang unggoy lang ako nun. XDXD. Ganda ng Bgmusic ko ngayun, "Walang kadala-dala". Bagay na bagay. XD

AJ's Choice Awards: Best Artwork (Painting)

Ye'll never escape yerself. Moron.,

Anyone who got a sharper tongue?

(Hands down for Mr. Luke Chueh)

15th Scene: City Night Lights

Time Check:
November 05, 2008
7:38PM (Manila Time)

Kakauwi ko lang galing sa Music Studio. Medyo gabi na, tas yun, iba talaga pakiramdam ko paggabi ako umuuwi, haha. Hindi dahil sa baka mapagalitan ako, Kase pag andun ako sa tricycle or jeep ang ganda tingnan nung mga ilaw sa kalsada, XD. makukulay, anliliwanag. Hindi ko alam, pero mas gusto ko yun kesa sa mag stargazing. :D. lol. Yown, madami nangyari ngayung araw na to, dumating na siya kanina, pero bakit ganun? parang ah, basta ewan. parang tuloy-tuloy parin yung loveless scenes? Gustong-gusto ko siya makita, Miss na miss ko na siya, tas biglang nawala yung excitement. Ganun na ba ako kamoody? >.<. Baka dahil din sa banda, masyado ko dinedevote ang sarili ko sa career na hindi naman talaga para saken, mukang naapektuhan narin yung excitement ko na makita siya gawa ng banda, Kanina mga 5:30pm, nagaudition na kami, una tumugtog yung isang band, maganda, ok yung tugtog nila. Pasalamat na din ako sa kanila kasi nakahiram kami ng instruments, tas yun. Expected ko na, na hindi kami yung mapipili. Tapos na sila tumugtog, Kami naman, unang tugtog namin, mali. Hehe, wala na talagang pag-asa. Masisisi ko ba ang sarili ko? Nakelangan ako na ang nag-asikaso lahat or Masisisi ko ang sarili ko? Kasi napaka na yung obsession ko? Pagkatapos ng audition kelangan pupuntahan ko siya para magdinner kami, Pero nakaset na yung plano na magprapractice kasama yung magtuturo, akala kasi namin pwede pa sa thursday magaudition. Edi yun pumunta kami, tapos nagpractice, hindi na pala practice, nagjamming nalang kami. Katuwaan nalang yun. Tas yun, fresh pa pala yung sugat ko sa kamay, edi yung isang sugat, nag-bukas ulit, maliit lang siya, maliit na maliit pero mahapdi pag napalo, mukhang indication na yun na unti-unti ng nalalamatan yung pangarap ko. Haha. Tas yun natapos na kami, treat ko na yung rent sa studio, malaking % na binayad ko, tapos yun natapos na kami. Hindi ko na siya nakasama. Bakit ganun? simple lang naman pangarap ko ayaw pa ibigay, magkaron ng solid na banda yung natitira talaga kasi matibay, tapos makatugtog sa isang palabas tsaka mapalakpakan ng tao. T.T, yun lang naman oh. Ayaw pa ibigay., naaapektuhan pa yung ibang bagay. >.<. Sorry Shaihyie.

14th Scene: Commencement

Time Check:
November 05, 2008
6:56AM (Manila Time)

Eto na yung day na yun. XD. Madami mangyayari dito sa date na to. Good morning mother blogger. papasok na ako ngayon,. Nangangarap na sana magkaron ng magandang outcome yung sa banda namin. Ngayon na din uuwi si Xayi, Yown la na loveless act. Sana? Kaso baka magkaron parin. Haha. 6:15am ako nagising kanina tinatanong ko pa sarili ko kung papasok ako kasi naulan tas yun, pagkabangon ko bigla nawala yung ulan. WOW. XD, ahaha. Tas yun. Basta gagawin ko lahat ng pwedeng paraan makatugtog lang kami, sana sa November 6 na kami mag-audition para makapagpractice pa kami ngayon, wala pa din akong bagong drumsticks, putol pa din ang ginagamit ko. haha. XD, tsk. uunti na ngayon production ko ng posts. Yown, baka malate pa ako. Kelangan ko na pumasok, makikita ko na din uli siya, sana. XD. lewl. Sige sige, papasok pa ako ng school, mga balik ko mamaya mga 8:00pm na. magpractice pa kami ng banda kung may pag-asa pa makatugtog. MiskewnaXayi. XD Ciao.