Tuesday, November 4, 2008

13th Scene: Sigh

Time Check:
November 04, 2008
10:09PM (Manila Time)

Tapos na ako maligo, kumain na ako ng dinner, di pa ako nakakainom ng gamot, medyo ok na pakiramdam ko. As i said earlier, papasok na ako bukas, wala na, wala na ako sa grad pics. pero sana xiempre magkaron parin ko ng opportunity na makapagpapicture. B-). Tas yun hindi ko parin alam kung ano mangyayari bukas dahil sa banda. Pano na kaya ang banda ko? 4 days nalang bago yung tugtugan. Tas isa palang natutugtog namin, hindi pa maayos. eh ang kelangan tatlo. Nakakaasar kasi, lagi nalang sinasabi nung isa, "kaya ko na yan", "madali lang yan". Hays,. Kaya na ba talaga? Eh, hindi pa nga marunong sumipra, sana antagal na namin tapos kung hindi na siya nagpapaturo eh. Wala akong magagawa, nakikita kong hindi na siya kahit interesado manlang tumugtog sa banda, halatang-halata na tinatamad na eh. Bahala na mga mangyayari bukas. XD. haha goodluck saken,. tapos yun. Last post ko na to bago matapos ang November 04. hindi naman halatang halata na wala akong ginawa sa bahay. XD. baka for the next days hindi na ganun kadami ang pagpopost ko ng blog,. Tapos yun, madami mangyayari bukas sigurado. Sa banda, Sa school, tsaka babalik na ulit sa school si Xayi. XD! Yeah!. Haha. amboring pag nasa bahay ka lang talaga. pagkatapos nito mag-ayos na ko ng gamit para bukas, ayoko malate sa school. Mukhang medyo madami akong bibitbitin dahil sa banda. XD, hmm. Bale yun. Good luck sa mga mangyayari bukas(November 05). WEEE. Bye. MisyuXayi. Pero teka, parang meron ako nalimutan na itype ewan ko kung ano. >.<. haha. amputek.hayaan na, sige byebyebyebye.

AJ's Choice Awards: Best PSP Game

Yes! FFVII-Crisis Core! Napaiyak ako sa Ending neto.
Ganun ka-Ganda at ka-Gay yung laro na to. XD

Cut: Paper Jam

Bakit keya ganun. Ambagal ng Deviantart. lagi ba sila maintenance? hindi na ba nila kaya i maintain yung mga files sa website nila?. Nung nangyari sa site na yun,. Sira nanaman ata Domain. or,.. baka saken lang? mabagal lang talaga interent connection ko? T.T, try niyo nga puntahan yung site na yun.. www.deviantart.com.

12th Scene: loveless act V

Time Check:
November 04, 2008
9:04PM (Manila Time)

Kumain na ako ng Dinner, medyo inaantok na ako, papasok na ako bukas, November 05. Bukas na din dadating si Xayi mga 5:30pm sila dadating galing sa retreat.. Yes. Kaso, >.<. May practice kami ng banda sa hapon, sa November 06, rest day nila, dun na yung audition ng banda. Wala parin sila nun sa school, friday siya makakapasok ng school, pero may practice parin ako ng banda. Haha, Pano kaya yun? Bahala na. Sa November 08 nalang. Good luck sa banda ko sana makatugtog kami sa November 08. >.<, tas yown, sinisipon, inuubo parin ako, medyo masakit padin ang ulo. pero kelangan na pumasok bukas, magdadala nalang ako ng epidemia. Sana Thursday nalang yung audition para makapagprepare banda ko. Tsaka sana makita ko na din siya agad para wala nang Loveless scenes sa movie ko. XD. Misssskonayown. 3 days lang kaso. XD. ahaha Adik lang talaga.

AJ's Choice Awards: Best MTV


Endless, a Silent Whisper- Urbandub

11th Scene: Pal

Time Check:
November 04, 2008
6:38PM (Manila Time)

Whew, bukas na yung audition dun sa banda, kinakabahan ako, hindi pa kasi ganun kalinis yung tugtog nung banda ko eh. Pero hayaan na. Tapos yun, mejo gabi na, ako lang tao sa bahay, boring na boring. XD. Buti nalang nanjan bespren ko para machat ako ng konti sa YM. XD, haha. naks, Ayos din pag may lagnat ka, meron mga tao na nag-aalala sayo, at dun mo nafeefeel na hindi ka nag-iisa sa mundo. XD, naks. Yown, oras na para magpasalamat,.. Sa mga kaibigan ko, Sina Paulo, Hyrille, Kaye, Dominic, Aaron, Jeco, Gian, Johann, Albert, JL, Miguel, EJ, Neezeth, Jonas, Mariel, Giorgia, Cyrille, Janelle, Nikka, Clarence, Junella, Jennica, Krizia, Theresa, Alara, Rizza, Desmond at madami pang iba pa.. Lol. Lahat ng kasection ko. XD labs ko yung mga yun kase, 70% sa kanila kaklase ko na nung grade 3 tapos yung iba nung 1st year highschool. ko pa classmate, tapos yung iba hardcore, simula prep. >:). Yown, Medyo matagal tagal na rin kami magkakaklase tas 4th year na kami, time to say ciao babies... Sigurado sa graduation, iyakan yan... Tas siyempre yung mga kabanda ko.. lab ko yan. Sina CJ, Jeco, Albert, Gian, Andre, Dominic, Jonas A., Jonas C., Miguel. tsaka yung mga nagturo samin xiempre tsaka yung mga naging kaibigan ko na rin gawa ng banda gawa ng musika. XD. Haha. Hindi rin mawawala yung mga kaYFL ko. Ace, Ate Marice, Junella, Camille, Joco, Dominic. XD. maraming salamat sa kanila kase nagkaron ako ng time for religous services kaso laging may conflict sa schedule ko. XD. Nu pa ba? Yung mga relatives ko. Mga pinsan! Kuya Reinel, Kuya Jech, Alvin, Naomi, Ate Rayanne, Gianni, Nikko, Lian, Jinwel, Gabrielle and many more. Hahaha. Tapos yung mga online friendsters. Tas yung mga kaonline games. Mga kacomputer shop. Basta lahat na, yung mga kapitbahay ko, yung mga nakalaro ko dati, yung mga nakasama kong maligo bata man o matanda, mga schoolmates ko xiempre. basta lahat na, yung mga lahat ng tao na nakilala ako tas napasali sa TV station ng buhay ko, nasa soap opera man, nasa variety shows, or kahit sa commercial lang. Salamat ng madami. Hindi mabubuo ang halimaw na si Jerel kung ala kayo. XD.. but wait there's more! Siyempre kay Shaihyie, na nagturo saken kung pano maglaba. XD. Joke lang, Xiempre malaki impact ni Boss(Shaihyie) sa buhay ko. Malaki as in, mas malaki pa kay Voltron or Daimos or VoltesV magsama pa silang tatlong lata., Seriously, iba yung dating saken ni Xayi as a friend, basta special siya.. ^^, basta un na yun,. Minsan lang yung opportunity na magpasalamat tayo sa lahat ng tao na nakasalubong natin. Guys and Girls, Salamat! Pati ikaw na nagbabasa kilala man kita o hindi salamat sayo friendly neighborhood.

~no man is an island.

10th Scene: loveless act IV

Time Check:
November 04, 2008
5:20PM (Manila Time)

Labis na naiinip, nayayamot sa bawat saglit... kapag naaalala ka, wala naman akong maggawa.. Umuwi ka na Bibi, di na ako sanay ng wala ka, mahirap ang mag-isa. At sa gabi'y hinahanap-hanap kita. Hanggang kelan ako maghihintay na makasama kang muli sa buhay kong puno ng paghihirap at tanging ikaw lang ang pumapawi sa mga luha at naglalagay ng ngiti sa mga labi, di mapigilang mag-isip, na baka sa tagal, mahulog ang loob mo sa iba. Nakakabalisa, knock-on-wood wag naman sana. Umuwi ka na Bibi, Umuwi ka na Bibi, Umuwi ka na Bibi. XD. Ahahaha, Adik!


Lab yu.

9th Scene: Game Plan

Time Check:
November 04, 2008
4:22PM (Manila Time)

Kakagising ko lang, medyo ok na pakiramdam ko, hindi na talaga ako nakaabot sa grad pics, pero pwede pa magplano para sa audition sa banda namin. Hmmm, sa November 08 yung real na tugtugan, hindi ko alam kung November 08 na talaga, yung audition, pwede pa naman ipagpaliban yun, November 4 ngayon, yung magtuturo samin pwede ng Wednesday and Friday, pero hindi parin namin mabubuo dun yung lakas ng pagbabago, Hmmm. Ang kelangan ko na talaga malaman is kung kelan yung tugtugan, kapag umaga yun hindi na kaya, kapag medyo bandang hapon or gabi yun, kakayanin pa. Hindi ko alam hindi pa ako sigurado kung ano talaga oras, pero yung 2 songs na extra baka makuha na namin yun sa week days, tapos saturday na yung talagang tutugtugin.. Hmmm, here's the plan, November 04 ngayon, sa 05, magpractice kami kasama nung magtuturo tapos sa 06 magpractice ng independent lang or punta kami dun sa music studio na meron kami kilala tas paturo nalang ng chords nung tugtugin talaga, tapos, sa 07 which is friday, magrent kami ng gamit tapos dun nalang kami magaudition.. Mga 51% ang chance na makatugtog pa kami sa November 08,. Paggusto talaga madaming pwedeng gawing paraan.

AJ's Choice Awards: Best Movie

Ganda ni Emma Stone. XD

Drums

"The best dreams are the unattainable ones"

Grade 3 vacation namin yun, Hindi ko alam pero, mga 8 years old ata ako nun nung sumali ako sa Drum and Lyre Band, "DLB". Tanda ko pa nun yung, late ako nung dumating ako dun sa parang "Summer band camp", 1st day yun, pumunta ako dun sa room kung asan sila , nakita ko yung isa kong childhood friend na classmate ko, tas yun andun yung magtuturo samin si Sir Jonathan, ang unang teacher na nagturo sa ken kung pano magdrums, tinawag ako tas sinabi aken kumaha na ako ng drum, Unang hawak ko ng drums ay yung snare,. XD, haha. Tas "Lupang Hinirang" yung 1st song na tinuro samen, siyempre National Anthem ng Pinas, Drum corps nga eh. 1st palang nung song hirap na hirap na ako, yun yung Drum Rolls, Fast strike sa drums, signalling na magready na sa national anthems, hindi ko alam pero hanggang ngayon hindi ko parin ma perfect. XD. Ayos naman yung mga sumunod na practices, mga bagong kaibigan tas bagong pagkakaabalahan, at siyempre start ng bagong pangarap. XD. Mga grade 4 nun, napromote ako, hindi na lang snare hawak ko, nakakapag cymbals na rin ako. ahahaha. Napakaorganized kasi dati ng DLB kasi naaalagaan pa. Hindi ka pwedeng humawak ng ibang instruments unless, napromote ka na. XD, haha. Tapos yun, Grade 4 vacation, Summer band camp ulit tapos tuloy-tuloy na, Tinuruan na ako dun ni Sir Jonathan na mag Triple Toms Drum. XD, hehe. At first siyempre mejo nahihirapan ako kasi single drums lang dati dala-dala ko eh, tapos yun. Naging ok naman ako dun sa Triple Drum, tas nakapagbass drum na din ako. Edi yun, versatile na akong drummer, kahit ano na pwede kong tugtugin. XD. haha. Drum-hog. lewl. tapos yun. Grade 6 kami, wala na si Sir Jonathan sa School namin, pero ok parin ang DLB, andun pa yung hardcore members from lyrists, majorettes hanggang drummers.. Tapos yun, nung makagraduate ako ng Grade School, nakuha ko yung "Drummer of the Year Award". Yeah ang aking paboritong award na nakuha ko last grade school..

Edi ayun, Tapos na yung grade school life, High school na ako.. Tapos napag-isipan ko na gumawa ng band, grade 6 vacation yun going to become a freshmen HS student. Yown, tinawagan ko mga kebigan ko nun, si Albert, tsaka si CJ. tapos yun,. Nagprapractice kami nun dun sa music studio ni Ms. Lulette, (Si Ms. Lulette din yung naging DLB moderator after nung umalis na si Sir Jonathan.) Yun at first, hindi ko alam kung anong instrument ang pag-aaralan ko, nasa isip ko talaga is keyboards, tapos si albert sa drums. Pero ewan ko kung pano nangyari, pinahawak ni Sir Gail (Sir Gail- teacher namin dun sa music studio) si albert ng guitara tas naging drummer na ako, si CJ yung bassist. Nung vacation na yun, may training pa din ang DLB, kaso eh ayun nakakaasar kasi madami sa mga kabatch namin ang nagquit na sa DLB, edi whole bunch of kiddos ang mga nadagdag. >.<, ang hirap, di na tulad ng dati. Wala na kasi yung mga "veterans". haha. Pero siyempre hindi ako nagquit sa DLB. Ayown. 1st day namin dun sa music studio, nagbriefings muna si Sir Gail tungkol sa pagbabanda, yung pinakanatandaan ko dun sa sinabi ni ay yung anow, yung, "eto bang pagbabanda? interesado kayo o desidido kayo magbanda/matuto? kasi kapag interasado lang kayo at gusto niyo lang sumabay sa uso, mahihirapan tayo nan, pero kung desidido kayo matuto madali ko lang kayo matuturuan." Tapos yun. XD, Si Sir Gail ang nagturo saken magdrums, (drumset) tsaka magbanda samen. Madami, madaming pagbabago nung nagbabanda kami kahit hindi pa kami natugtog kahit saan. XD. Unang line-up, Ako(drums)-Albert(Guitar)-CJ(Bass Guitar)-Marol(Vocals, Guitar), tapos may nadagdag, si Marion(Keyboards). XD. Ewan ko kung tanda pa nila yun. XD. Tapos umalis si Marol tsaka si Marion, dumating si Gian(vocals), tas si Aldrene(Guitar) tapos nagkaron ng pangalan yung banda namin "Echo in Silence" naks. XD, Credited by CJ., Nawala si Aldrene dumating si Miguel(keyboards), tapos yun naging stable yung banda namin (Ako, Albert, CJ, Gian, Miguel) hanggang nung 2nd year umalis si CJ and Miguel. Edi yun, nahirapan kami nung una maghanap ng bagong bassist tas biglang lumabas si Jeco,. Nahihirapan kami tumugtog kasi walang mga guitara mga kabanda ko, Tapos yun 3rd year, nagkaron ng battle, of the bands interschool yun, tapos sumama samin si Karl(guitars). Akala namin 2nd kami, pero hindi pala. XD. ahaha. yun, after nun nagkatamadan na magbanda, ewan ko kung bakit. Tapos last year din nung 3rd year kami, nakilala ko yung sina Jonas, tapos yun nireto ako ni Jonas dun sa Kuya niya tapos nagustuhan naman nung kuya(Andre) yung palo ko. Wow bagong banda to. XD. tapos yun naging kabanda ko sila ngayong 4th year ako. Pero nahihirapan kami ngayon, kasi iba't iba ang schedule namin. XD. haha. pero sigurado this vacation OK na kami lahat. tapos at present, magkakaron ng tugtugan ngayon sa school, tapos nirevive ko ulit yung banda ko (Albert, Gian, Jeco) Kaso mahirap, wala silang guitara, hindi pa namin tapos yung kanta, Sa november 08 na yung tugtugan, May audition ngayong November 04 kaso may lagnat ako, tapos nagkakatamadan pa. XD. hehe.


Ako? Desidido talaga ako magdrums. Passion para saken pagpinapalo ko yung tambol, kahit hindi naman ako ganun kagaling, yung paggawa ng music accompanied ng mga kabanda mo, ecstasy ang feeling, Hindi ko pa naeexperience tumugtog ng original composition, puro cover palang ako ng mga kabanda ko eh. Pero mukhang masaya,. XD. Bakit nga ba talaga ako nagdrudrums? Hmmmm. Dati kasi eto yung naging stepping stone ko para mapansin ako nung crush ko, XD kaso nadulas ako eh,.. Pero as days passed, biglang nagbago tingin ko sa pagdrudrum, mahirap iexplain pero masyado na akong devoted sa pagpukpok ng tambol eh.Nakakaaddict! Haha. desidido na talaga ako sa ginagawa ko na to. xD

8th Scene: Decision

Time Check:
November 04, 2008
12:14PM (Manila Time)

Kumain na ako ng brunch, nagPSP ng konti- NBA live 2009 Spurs gamit ko. XD. Nanood na din ng NBA.. Sinisipon pa din ako, Medyo nawala na ata lagnat ko kaso masama parin pakiramdam ko. Tiningnan ko schedule namin ngayon sa school, kapag pumasok ako ng hapon, Filipino, Math Elective tsaka Catechism lang ang gagawin namin, sabi na din ni mommy wag na din ako pumasok, wala na akong aabutan na grad pic sigurado, Audition sa banda? sigurado wala naman dalang instruments mga kabanda ko wala naman kasi sila eh, tawagan ko nalang sila mamaya na sabihin dun sa nagpapa-audition kung pwede sa November 5 nalang which is bukas. Yun, hindi na talaga ako papasok ngayong November 04, boring sa bahay, Hmmm. Mga kanina lang nakachat ko yung isa kong kabanda (ibang banda to). May problema din banda ko na to, Ang problema, nagkakatamadan na din. XD, ahahaha. Iba't iba kasi schedule eh, yung vocals gragraduate na ng college kaya napakabusy, yung bassist sa University of Perpetual Help pa ang school kada weekend lang umuuwi, yung isa naman guitarista, la naman problema dun, siya pa nga yung nagtuturo dun sa isa kong banda(yung magauaudition), ang problema lang talaga yung isang guitarista, mahirap contactin eh. Eh ako yung middleman nang banda namin, ahahaha. Tugtog daw kasi kami sa University of Perpetual Help basta sa mid-December, malayo pa naman pero pinaghahandaan na, yung banda ko na to alam ko, gusto talaga nila yung ginagawa nila. Kaya ok. XD, ahaha. Dun kasi sa isa kong banda halos ako lang ata tsaka yung vocals ang may gusto talaga na tumugtog eh. Yung bassist ok lang, madali naman contactin, gusto din niya, kaso yung isa. hays. Ayaw pang sabihin na ayaw eh. Mahirap kontrahin yun eh matagal na kasi pinagsamahan namen. haha. Lewl..

Tapos yun, wala parin akong magawa, wala pa akong load, ayoko naman magload kasi hindi naman makakapagtext saken si shaihyie kasi nasa retreat nga, Hayss. Miss ko na yun, XD. Ahahaha, Lab-less ako ng 3 days, ampanget pa nung bye ko sa kanya last Nov. 3. Buti nalang may bago akong hobby, ang magBLOG. XD. labyuanikew.

AJ's Choice Awards: Best Song

7th Scene: Dead Man's Wake

Time Check:
November 04, 2008
10:03AM (Manila Time)

Ngayon lang ako nagising, Amf. Andami ko namiss sa school, Ngayon yung "audition" nung banda namin, hindi ko alam kung ano gagawin ko, kung papasok na ako o hindi pa. Pano yan? Eh may lagnat pa ako. >.<, Tas yun nagtext yung isa kong classmate, Grad Pics daw ngayon, Shit paano ako? T..T, Edi wala akong primary photo sa slumbook ng batch 2008-2009 graduatees? WTF, nakakaasar talaga balak ko pumasok mamaya, maghalf-day nalang ako. Kaso, baka lumala lagnat ko hindi nanaman ako makapasok. Pano na kaya yung banda, tas Grad Pics. T..T, Si Shaihyie nasa retreat pa, Miss kew na. Lol. Kelangan mag discern kung ano talagang tamang gawin. Sigurado pag nasa school na ako hindi na sila nag gragrad pic pero makakahabol pa ako sa audition. Pero, wala pa naman kaming buo na talaga na kanta eh. walangyahanepasashit. Nooooo.