Thursday, November 6, 2008

24th Scene: Fall Out Boy

Time Check:
November 06, 2008
10:58PM (Manila Time)

Walang mangyayari kung init lang ng ulo ang pinapasabog natin. Sana naging marunong din tayo magpaputok ng yelo sa ulo. Ako, masasabi ko pikon ako, tampuhin ako. Ewan ko, hindi ko mapigilan eh. Naaasar ako. Sa tingin ko nakuha ko to sa kalalaro ng Video Games. Di ba nakakabwiset kaya kapag paulit-ulit ka sa isang part ng laro, minsan gusto mo na ihagis yung game console sa labas ng bintana niyo o kaya gusto mo na din iRKO. Nakakaasar talaga eh, kase pikon ako. Nakakapikon talaga pag alam mong pikon ka. Tas pagpikon ka, magiging matampuhin ka na. Tapos balik naman tayo sa video games, may masamang dulot akong nakuha sa masyadong paglalaro ng video games, especially, action-type games. Minsan naaapply ko sa buhay na meron akong tatlong buhay na kapag nadeads ka, meron ka pang matitirang 2 lives, tas pwede ka pa makakuha ng bonus life in each or every stage. Which is completely wrong at kelan man hindi natin maapply sa buhay natin. Kung alam mong, mali ka na. Wala ka na magagawa dun, hindi naman talaga naimbento ang "Time Space Warp" at hindi naman talaga taga-planet earth si Shaider. Tapos yun, Sorry Xayi, kasi masyado ako nagiging matampuhin sayo. Mga nonsense na bagay pintapatulan ko pa. Sorry, umiiral lang ang stupidity.. >.<. Tapos yun 11:12PM na, kelangan ko na matulog may pasok pa kami bukas. Mag-iisip pa ko kung pano bawasan laging pagkainit ng ulo ko., Ano kaya magiging yelo ko sa buhay? Chillax lang kasi lagi dapat tayo mga dude. Sige goodnight. Ilabyu Xayi. Sana pumasok siya ng school bukas. >.<

1 comment:

Shaihyie said...

haha. ang initin nga ng ulo mo.
hmmm. aray ko. o.O haha:]
labyutoo. :P