Monday, November 3, 2008

Friendster

Hoy! OO, Ikaw nga! 97% possibility sigurado may friendster account ka. Pero alam mo ba talaga kung para san etong friendster na to? pwedeng sabihin mo na; "friendster", website na gamit for online friend search. Pwede, pero parang hindi din. Kanina nung nasa school pa ako, nakausap ko yung classmate ko, tinanong niya ko kung ano ba talaga purpose ng friendster, bat ang dami naggaganun. Sabi ko, yun nga, online friend search. Counter Answer naman niya, "Hindi mo naman masasabing kaibigan mo na ang isang tao kung hindi pa kayo nagkikita ng personal." Tama siya, pero para sa mga pilosopo baka sabihin nila na, sila yung tinatawag na "online friend". Pero iba yung word na "online friend" sa friend. OO related sila, pero di sila magkapareho.

Sa online world, may ability ang mga tao especially yung mga mababa ang self acceptance na palitan ang kanilang personality, mas madaling magpretend dito kase siyempre di nga magkakakilala yung mga users kaya pede ka mag-imbento ng personality mo na gusto mong ipaalam sa kanila na ganun ka, parang ano, you go with your fantasies (once na biktima ako neto); Sa real world siyempre pagnagpretend ka kaplastikan na yun… Sa online world din, naeexpress mo yung feelings mo na hindi mo maexpress sa mga tao na kakilala mo. Malaki ang percentage na dahil ito sa nahihiya tayo sa mga kakilala natin na iexpress ang feelings natin while sa mga taong hindi natin personally na meemeet ay naeexpress natin ung affection natin. Psychologically di ko lam kung baket or kung ano yung reason.

Maaring nagfriefriendster or kahit ano pang "online friend search websites" ang mga tao, hindi lang dahil naghahanap sila nga mga kaibigan online, kundi gusto din nilang iexpress ang feelings nila sa mga taong di nila kilala (not literally, pero you should get my point if you are a grade school graduate) o keya naman ipakita nila ang kanilang sarili at their best, walang negative, puro positibong pananaw tungkol sa kanila at magkaron ng ibang personalidad maliban sa personalidad na naiwan nila sa "reality". Di ba ang sarap magsagot ng mga parang "slambook" na dating na fill up forms, yung ililista mo yung mga favorite mo, pero di mo naman talaga gusto, nakikiuso at nakikisabay ka lang kase ayaw mo maiwanan sa mundong ito, na ang naiiwan ay yung mga taong totoo.

Hindi ko sinasabing ang lahat ng nagfriefriendster ay hindi totoo, nilagay ko lang ang ginawa ng karamihang tao sa friendster(isa nga nga ako sa karamihang taong yun).

Ngayon naliwanagan na ako kung baket talaga tayo nagfriefriendster, Kung para san din ang friendster… Kahit na negative ang binigay ko na information, na conclude ko na nagfriefriendster tayo dahil tayo, mga tao, in nature ay naghahanap ng companions na tatanggap sa atin bilang tayo. At ang main purpose ng friendster ay ang pagtulong saten sa paghahanap ng mga taong tatanggap saten bilang ang ating mga sarili.

Pero, Reallistically though.. SHIT, chicks/boylet search na to eh,. Hahaha. At yun na nga din, para maging IN. Tao talaga natural na ang pagiging mayabang.

Haha. Wala na akong friendster ngayon, pinadelete na. XD, Tsaka, hindi lang naman talaga sa friendster, kaso friendster ang umuso sa Pilipinas, pangMasa man o Hindi. XD.

(Repost ko lang dito. July 4, 2008 nung pinost ko to sa blog ko sa friendster.)

No comments: