Monday, November 3, 2008

Introduction

Una s lahat. Briefings muna ako kung anu yung Blog… Blog? Anu nga ba yun? Para san nga ba talaga to? Kanina lang, kinuha ko yung dictionary tas tiningnan ko anu ba talaga meaning netong blog na to. Taeng dictionary yun di naman nakalagay. nagisip ako, shortcut term ba yung blog? Pero mukhang hindi naman, di ba?, kase kung shortcut nga, kelangan nakalagay yung meaning niya sa dictionary paren. Last and most effective resort na ko, si Wikipedia na tinanung ko, Eto sabe nia. A blog (an abridgment of the term web log) is a website, usually maintained by an individual, with regular entries of commentary, descriptions of events, or other material such as graphics or video. OIC, haha.. para siyang diary highly innovated nga lang. Hmmm. Kung ganun edi pedeng tawagin na "ediary" ang blog, parang "email" di ba? Pero parang nd din, kase pag naging ediary, kelangan private. hmmm, wag nalang pakelaman. blog nalang. yan lam ko na meaning niya…

Teka teka, Bakit nga ba ako nagBlog?.. Hmmm. kase alam kong boring buhay ko ngayon. sira kase ung stupid PC ko. Di ako makapaglaro ng online games. YAK. pero sa tingin ko mas madami namang positive effects nung pagkasira nung pc ko. una sa lahat, masnakakagawa ako ng madaming bagay, at pangalawa sa lahat, masnakakagawa ako ng madaming gagawin.
Pero hindi lang naman dahil sa boring ako, kaya naisipan ko na magBlog. gumawa ako neto para ishare ko sa katiting na mga tao (sana dumami or sana may magbasa manlang neto.) na gustong basahin ang mga sagot sa tanong na nangungulet sa aking isipan na parang kelangan talagang
ipakain ang sagot sa utak kong gutom., Tsaka dream ko. sana mapublish yung mga ginagawa kong to. LOL. Eto lang mga reasons kung baket ako nagblog. Dati kase ang korni nung mga blog ko, puros isang topic lang walang kwenta. Tsaka nakornihan na ako sa ginawa ko dati kaya binura ko na lahat. Etong mga blog na to ngayon, sigurado meron naman facts kayong makukuha according to what my datas concluded. Pwede rin kayong magcriticize dun sa mga ipopost ko, highly appreciated para saken nun pagicocorrect niyo ako kung sakali may mali kase malalaman ko dun na may nagbabasa. (labs you kung ikaw ay nagbabasa na!)

Hmmm. Maaring nagiisip kayo kung baket tagalog etong blog. una eto ung primary medium ng mga pilipino sorry nalang sa mga country aliens na babasa neto. Pero may konti namang English na nahalo dito. Pangalawa ayoko na ng English Posts, ayoko ng magpanggap na magaling ako. ang
korni pala putek. Pangatlo at panghuli parang yung una din, Filipino para mas mabilis maintindihan ng mga taga dito.

Yan wala na akong madagdag, sana ayos natong introduction, uhmm. yung schedule ng pagpost ko dito, di ko lam pero sabihin ko na lang. Maraming salamat sayo kung umabot ka dito sa point na to na basahin hanggang dulo. appreciated ko yun. Tsaka alam ko magugustuhan mo mga topic na gagawin ko, Wag kang mag-alala hindi katangahan mga ilalagay ko dito. maaring seryosong tanong na seryosong sagot. maarin ding kwelang tanong pero seryoso padin ang sagot. salamat sa pagbabasa! Lupet ah. ang haba ng nagawa ko, pagpinapagawa naman akong essay sa school hindi ako makatagal maggawa. indication to na gusto ko yung ginagawa ko ngayon. Yeah. Sigesige, MotherBlogger na ako!

Ciao.

Teka.

Mukhang nabasa ko na to sa http://adriele.blog.friendster.com/..?

Tama. Nabasa mo na nga yan sa isa kong blogsite. kaso, nadelete na yung account ko sa site na yun. Buti nga hindi nadelete yung sa blogs. XD. haha. Hmmm. Bakit keya nadelete? Kase pinadelete nung lourve ko kase daw ewan, di ko makuha point niya pero ok. dinelete ko. XD. yown. Tas yun na nga. Naglipat Site ako. Tas dito na ako. Hmmm. Tapos yun, maybe, yung mga gagawin ko dito. Baka iba dun sa previous na nagawa kong blog, kasi bale etong blog ko ngayon would be my ediary, hmmm. pero parang nd din kasi mapupublish eh. XD, which means, makikita in public. Edi yown. Hindi na private kaya hindi na Diary. XD. Hmmm, ganito nalang, Post ko nalang dito sa blog na to yung mga nangyayari or yung mga nangyari sa ken in a certain date. Parang Diary-based blog. Wahehehe. tapos yun, ilalagay ko rin yung mga current time na nagsimula akong magtype kahit nakalagay naman yung time dun sa post. XD. basta ganun yun, uhmm. tapos yun.

Eto yung magiging script ng daily presentation ko in real life. XD

"Go on, grab your hat and fetch a camera Go on, film the world before it happens"

~Panic at the Disco

No comments: