Wednesday, November 5, 2008

15th Scene: City Night Lights

Time Check:
November 05, 2008
7:38PM (Manila Time)

Kakauwi ko lang galing sa Music Studio. Medyo gabi na, tas yun, iba talaga pakiramdam ko paggabi ako umuuwi, haha. Hindi dahil sa baka mapagalitan ako, Kase pag andun ako sa tricycle or jeep ang ganda tingnan nung mga ilaw sa kalsada, XD. makukulay, anliliwanag. Hindi ko alam, pero mas gusto ko yun kesa sa mag stargazing. :D. lol. Yown, madami nangyari ngayung araw na to, dumating na siya kanina, pero bakit ganun? parang ah, basta ewan. parang tuloy-tuloy parin yung loveless scenes? Gustong-gusto ko siya makita, Miss na miss ko na siya, tas biglang nawala yung excitement. Ganun na ba ako kamoody? >.<. Baka dahil din sa banda, masyado ko dinedevote ang sarili ko sa career na hindi naman talaga para saken, mukang naapektuhan narin yung excitement ko na makita siya gawa ng banda, Kanina mga 5:30pm, nagaudition na kami, una tumugtog yung isang band, maganda, ok yung tugtog nila. Pasalamat na din ako sa kanila kasi nakahiram kami ng instruments, tas yun. Expected ko na, na hindi kami yung mapipili. Tapos na sila tumugtog, Kami naman, unang tugtog namin, mali. Hehe, wala na talagang pag-asa. Masisisi ko ba ang sarili ko? Nakelangan ako na ang nag-asikaso lahat or Masisisi ko ang sarili ko? Kasi napaka na yung obsession ko? Pagkatapos ng audition kelangan pupuntahan ko siya para magdinner kami, Pero nakaset na yung plano na magprapractice kasama yung magtuturo, akala kasi namin pwede pa sa thursday magaudition. Edi yun pumunta kami, tapos nagpractice, hindi na pala practice, nagjamming nalang kami. Katuwaan nalang yun. Tas yun, fresh pa pala yung sugat ko sa kamay, edi yung isang sugat, nag-bukas ulit, maliit lang siya, maliit na maliit pero mahapdi pag napalo, mukhang indication na yun na unti-unti ng nalalamatan yung pangarap ko. Haha. Tas yun natapos na kami, treat ko na yung rent sa studio, malaking % na binayad ko, tapos yun natapos na kami. Hindi ko na siya nakasama. Bakit ganun? simple lang naman pangarap ko ayaw pa ibigay, magkaron ng solid na banda yung natitira talaga kasi matibay, tapos makatugtog sa isang palabas tsaka mapalakpakan ng tao. T.T, yun lang naman oh. Ayaw pa ibigay., naaapektuhan pa yung ibang bagay. >.<. Sorry Shaihyie.

No comments: