Wednesday, November 5, 2008

18th Scene: Self Pity

Time Check:
November 05, 2008
10:25PM (Manila Time)

Mejo gabi na, mejo kelangan na matulog kaso inaatake nanaman ako ng sakit ko, ang pinakamatinding saket mas matindi pa sa cancer, pagnadatnan mo to kala mo wala ka kasama sa buhay mo. Hindi lang ikaw naaapektuhan, pati pinakamalayong kapitbahay mo. Hindi ka makakagawa ng tama, di ka makakapagisip ng mabuti., Lewl, puro pagsisisi, puro pagkaawa. "Nakakaasar bakit ako ganito"? sigurado naranasan mo na to itanong sa sarili mo, kung hindi man Diyos ka. Lahat ng tao nagrerequest na sana iba nalang sila, na sana hindi sila yung kung sino sila. Ako aaminin ko, nasa stage 9791st na ako ng sakit na to, malala na kumapit na sa lahat ng organelles ko. Pero bakit? Bakit hindi ba masatisfy ang tao sa kung anong meron sila? Bakit hindi tayo nawawalan ng gustong mga bagay at napakascarce ng mga to.? Bakit nabuhay pa ang Economics. Pahirap talaga no?., Pero mga dudes, hindi palambitinan ng leeg ang solusyon o pagaahit ng pulso. Hindi tayo payaso at barbero. Tsaka bakit hindi nalang natin iaccept kung sino tayo? Gago. Mahirap yun, mainggitin ang tao, xiempre magtatanong tayo. Bakit hindi nalang ginawa ang tao na magkakapareho ang muka? Bakit yung ibang tao nakakalamang saten?. Bakit mas maganda si Ehra Madrigal kesa kay Cristie Fermin?. Natural na gahaman lang tayo. Tulog na ko mga dudes. Kelangan ko pa magbeauty rest para malamangan kayo sa kakisigan ng pisikal na aspeto. Wiswis. ako'y isang barbero.

No comments: