Tuesday, November 4, 2008

9th Scene: Game Plan

Time Check:
November 04, 2008
4:22PM (Manila Time)

Kakagising ko lang, medyo ok na pakiramdam ko, hindi na talaga ako nakaabot sa grad pics, pero pwede pa magplano para sa audition sa banda namin. Hmmm, sa November 08 yung real na tugtugan, hindi ko alam kung November 08 na talaga, yung audition, pwede pa naman ipagpaliban yun, November 4 ngayon, yung magtuturo samin pwede ng Wednesday and Friday, pero hindi parin namin mabubuo dun yung lakas ng pagbabago, Hmmm. Ang kelangan ko na talaga malaman is kung kelan yung tugtugan, kapag umaga yun hindi na kaya, kapag medyo bandang hapon or gabi yun, kakayanin pa. Hindi ko alam hindi pa ako sigurado kung ano talaga oras, pero yung 2 songs na extra baka makuha na namin yun sa week days, tapos saturday na yung talagang tutugtugin.. Hmmm, here's the plan, November 04 ngayon, sa 05, magpractice kami kasama nung magtuturo tapos sa 06 magpractice ng independent lang or punta kami dun sa music studio na meron kami kilala tas paturo nalang ng chords nung tugtugin talaga, tapos, sa 07 which is friday, magrent kami ng gamit tapos dun nalang kami magaudition.. Mga 51% ang chance na makatugtog pa kami sa November 08,. Paggusto talaga madaming pwedeng gawing paraan.

No comments: